[Jeremy’s POV]
Ano ang ending?
Ayun, nagkasakit kami pareho. Magpaulan ba naman
no?
At sinermonan pa kami ni Grandpaps. Sinabi pa
sa akin na alam naman daw niyang mangyayari yun. Na ako ang pipiliin ni Anica,
hindi lang daw namin alam kung paano namin ipaparamdam sa isa’t-isa. Well,
thanks to grandpaps kaya kami na ngayon ni Anica.
Pinipilit niya kaming ma-engage ulit pero
hindi na muna kami pumayag. Sabi namin pag right time na at sigurado na kami,
para diretso kasal na rin.
Ano na nga ba ang nangyari sa iba?
Si Gayle, ayun, nagkabalikan sila ni Lance.
Mahal na mahal kasi ni Lance si Gayle e. At di rin nagtagal, na-appreciate din
ni Gayle ang mga efforts niya. Kaya ngayon, sila na ulit.
Si Ian naman, pumunta na siya ng ibang bansa
at tinanggap niya dun ang offer sa kanya na magtrabaho. Sabi niya okay na yun,
para na rin daw makalimutan niya si Anica.
At kami ni Anica?
Ito nagbabangayan pa rin.
Lagi pa rin nag-aaway dahil sa simpleng mga
bagay.
Pero pag naglambingan naman, wagas, yung
tipong wala ka nang hahanapin pa.
Sa buong buhay ko, never akong naging sigurado
sa gusto ko at sa kung anong gusto ko maging. . . pero nung nakilala ko si
Anica, nakita ko na yung direksyon ng buhay ko.
“*sniff* Jeremy, anong gusto mo or gusto mong
maging?”
Nakahiga kami sa sofa habang may basang towel
sa noo namin pareho. Hirap talaga pag nagpapaulan.
“Ang gusto ko?”
Humarap ako sa kanya.
“Ang gusto ko ay ikaw. . . yung mapasaya ka,
yung mabigyan ka ng magandang buhay. . . gusto ko maging asawa ka at makasama
ka habang buhay. . . and I want to be your last first kiss. . .”
Ngumiti siya sakin. . . at nagkatinginan kami.
. .
Hindi man naging kasing simple o extravagant
ng love story namin, at least, masaya kami at wala na akong mahihiling pa.
Hinawakan niya ang mukha ko.
“I love you, Shin. . .”
First time niyang gamitin ang second name ko.
. .
“I love you more, Sharmaine. . .”
THE END