Thursday, April 25, 2013

Chapter Ten


[Jeremy’s POV]

One Week na ang nakalipas nang makipagbreak kay Anica si Ian. At mukhang okay naman na siya. Malungkot pa rin pero mukhang wala naman siyang plano mag-suicide.

Halos two weeks na rin kaming magkasama sa iisang bahay? Pano ko ba idedescribe ang relasyon namin? Ewan, wala naman kaming pakialama e.

Patuloy pa rin ang practice namin para sa Play. Masyado nga nilang kina-career e. Kung kami yan, baka one week before lang kami mag-rehearse. Masyado kasing competitive ang Ballet Dances Division.

“If you are a true knight, you’ll atone your sins with drinking this vial with me. . . Show me true courage and I shall forgive you” see? Masyadong competitive. Pati sa salas namin nagpra-practice siya.

“Anica, pakihinaan ang boses, nanonood ako ngTV oh”

“Shut up! Importante ‘to, okay?”

Feeling ko linulunod niya ang sarili niya sa pagme-memorize ng script. Wala pa nga sila sa part na yun e, prina-practice kaagad. Masyado lang excited?

***

“Jeremy. This is the worst!” nako, oo worst ka talaga. Hindi ko na naintindihan yung back to back episodes ng Phineas and Ferb. Takte.

“Jeremy, pansinin mo naman ako!”

Yung totoo? Parang siya bata.

“Bakit na naman?”

“Na-memorize at na-practice ko na ang buong script. At wala na akong magawa na something productive!” pagrereklamo niya.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla akong nagulat sa ginawa niya. Humiga siya dun sa sofa na inuupuan ko at linagay niya ang ulo niya sa lap ko tapos pinikit niya ang mga mata niya.

“A-anong ginagawa mo?!” first time kasing may gumawa sakin ng ganito.

“I can’t still forget about him, Jeremy. Pagkatapos ba ng three months na ‘to, babalikan niya na ako?”

“Huh? Tanong mo sa poso. Wag sakin!”

Tapos bigla siyang tumawa.

“Ang weird mo talaga. Why would I ask a ‘poso’? What’s a poso, anyway?”

“Ano ba yan! Baliw ka na!” tumawa ulit siya.

Nasasanay na nga ako sa tawa niya e. Kaya nung nakita ko siyang umiiyak, hindi ko maiwasan na hindi siya yakapin. Hindi kasi sa kanya bagay ang umiiyak. Maganda talaga siya. . . Sayang naman kung iiyak lang siya.

“I wish pwede na lang mag-delete ng memories sa utak. Para na-delete ko na siya sa utak ko at malalagay na lang sa Recycle Bin.”

“E? Tapos, ire-restore mo na lang ulit?”

Napaupo siya sa sofa at tumingin siya sakin.

“What do you mean?”

“Pag nasa recycle bin, pwede mo pa i-restore ang memories. Kaya mo bang mag-empty recycle bin?”

Hindi siya nakasagot. . . sabi ko na nga ba e. . .

Pero ano ba ‘tong nararamdaman ko? Nako, magulo.

Halos isang buwan pa lang nang una ko siyang makausap, parang obligasyon ko na ang protektahan siya.

“I don’t know” pinilit niyang ngumiti.

Humarap ako sa kanya.

“Sige, kunwari, ako si Ian. Ano ang gusto mong sabihin sakin?”

Umiling lang siya.

“Dali na. Kung galit ka sa kanya, sigawan mo ako. Sampalin mo ako. Saktan mo ako. Gawin mo sakin ang hindi mo magawa kay Ian. Dali na. . .”

Na-realize ko na lang naluluha na siya. Ganun ba talaga kasakit ang magmahal? 

Kasi kung oo, aatras na lang ako. . .

“Dali na. . .”

Akala ko sasampalin niya ako. Ready na ako e.

Pero mas nagulat ako nang yakapin niyo ako.

“I can’t hurt you. I will never hurt you” patuloy lang siya sa pag-iyak. Hinigpitan niya yung yakap niya sa akin. “Ian, never ako magagalit sayo. I’m just so sad. So sad na hindi kita kasama ngayon. . .”

Unti-unting nagsi-sink in sa akin ang pakiramdam ko. Damn, I want to protect her, right? Yun nga lang ba?

“. . . I will never hate you. . .  I hate myself for loving you. . . Ang alam ko lang gawin ay ang mahalin ka. . . So please. . .”

Parang may kumikirot sa gilid ng puso ko. Kahit ako hindi ko alam yung meaning nun. Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko.

“. . . Please, come back to me. . . Please, don’t ever leave me again. . . I swear, I’ll forgive you for everything. . .”

For everything? Kahit na ikaw ang mas nagmamahal?

Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko para kay Anica. . . pero. . . I kind of like her. . .

***

Nung hapon, naging okay ulit siya. Parang nakalimutan niya yun pagdra-drama niya kanina. Ang bilis ng recovery, huh? Kaya naman niyaya ko muna siyang gumala sa park. Tagal ko na ring di nakakapunta rito e.

“Hey Jeremy, call me!”

“Ha? Bakit kita tatawagan? E katabi lang naman kita!”

“Dali na. Ang arte mo naman kasi e”

So ayun, kesa naman mangulit pa siya, sinunod ko na lang naman at tinawagan ko siya.

I wanna be last, yeah,
Baby, let me be your last,
Your last first kiss.

Te-teka? Boses ko yun ah?

“Hi Jeremy!” sinagot ni Anica yung tawag ko.

“Hoy burahin mo yan!” tapos binaba ko yung phone ko at pilit kong inaagaw sa kanya yung phone niya pero pilit niyang nilalayo sakin.

“Hoy, ang bading niyan. Burahin mo yan!”

“Ayoko nga!”

Napatigil na lang kami nang ma-realize na sobrang lapit na ng mukha namin sa isa’t-isa. Matagal bago namin mapapasyahan na maglayo. . . Weird nga e.

“Space nga”

Then, umayos na kami ng upo.

Sakto nun ay may sunset. Sayang, hindi ko na naman dala ang camera ko. Hindi ko maca-capture ang moment na ‘to pero mukhang mas maganda rin pala ito. . .

Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. . .

“Thanks for everything, Jeremy. . .”

No comments:

Post a Comment