Monday, April 29, 2013

Chapter Thirteen


[Jeremy’s POV]
10 PM na ako nakauwi ng bahay. Sinamahan ko pa kasi si Gayle sa bahay nina Lance. At dun sila nag-usap. Buti na lang nagkaayos na rin sila.
Simula nang itext ko si Anica kanina, hindi na siya nag-reply. I know. Jerk talaga ako. Di ko naman alam na wala palang signal sa bahay nina Gayle e. Takte, for sure galit yun sakin.
Kakatok sana ako sa kwarto niya kaso baka tulog na siya. Pero may naririnig ako e.
Umiiyak siya?
No, hindi ko dapat siya pinapaiyak.
“Anica!”
Binuksan ko yung pintuan niya. Buti na lang hindi naka-lock. Nakita ko siya na nakadapa sa kama niya at naiyak siya. Parang kumirot yung puso ko. Hindi ko dapat siya pinapaiyak. Gusto ko siyang makitang nakangiti.
“Anica, wag ka na umiyak” lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.
“Arghh!! Stay away from me!” tapos niyakap niya ako.
“Alam mo ba kung gaano ako katagal na naghintay sayo nun?! Isang oras nagtext ka na hindi ka na makakapunta pero andun pa din ako hanggang 9 PM! Umaasa ako na babawiin mo yung sinabi mo! Hindi kasi si Jeremy ganyan e. Alam ko kasi importante ako sayo pero ano?! Hindi mo pa rin ako sinipot! How dare you?! I hate you Jeremy Shin!”
“Sorry na. . . Kinailangan niya lang talaga ako”
Pero hindi na siya nakinig sakin. Nag-kumot na lang siya at tumalikod na sa akin.
“Sorry na. . . Gagawin ko ang lahat para makabawi ako kaya sana wag ka na magalit. Sana makinig ka sa explanation ko. . . Anica, importante ka sa’kin. . . Mas higit pa sa inaakala mo. . .”
Tapos lumabas ako ng kwarto niya at dahan-dahan kong sinarado yung pintuan.
***

[Anica’s POV]
Umaga na. At sobrang namamaga talaga yung mata ko.
God, hindi ko na nga maintindihan ‘tong nararamdaman ko. He’s just so unfair. Niyaya niya ako sa isang date tapos mas pipiliin niya si Gayle? Hindi naman sa nagseselos ako pero napaka-unfair lang. Ako yung nauna e, pinagbigyan niya lang naman si Gayle dahil sa camera niya.
Hindi ko pa ma-sort out actually ang feelings ko para kay Jeremy. Basta ang alam ko, magaan ang loob ko sa kanya. And ginagawa niya ang mga bagay na di man lang nagawa sa akin ni Ian.

Pero ngayon, nasaktan niya na din ako. Masakit na umasang darating siya. Excited pa man din ako.
Napaupo naman na ako sa kama ko nun at nagulat ako sa mga bagay na nasa gilid ng kama ko.
Merong bouquet of Red Roses. Tapos may Teddy Bear pa.
Sobrang nagulat ako. First time ko kasing makatanggap ng ganito.
Napansin ko na may note pala so kinuha ko ito at binasa.
I’m so sorry. Ito dapat yung dadalhin ko sa date. So please, give me a second chance.

Bibigay na ba ako kaagad? No.
Mabibili ba ako ng mga regalong ito? Of course, not.
Naligo na ako nun at nag-ayos na ng sarili. Hindi ako bumangon ng maaga ngayon para mag-prepare ng pagkain, hahayaan ko siyang gutumin yung sarili niya. Lumabas na ako ng kwarto at may napansin ako dun sa kitchen.
Te-teka? Si Jeremy ba ‘yon?
“Good morning. Ito o, pinagluto kita”
Di ko siya pinansin peo umupo ako dun sa may dining area. Nagluto siya ng isang sunog na hotdog at distorted na itlog. Di talaga siya marunong magluto pero may effort naman.
Pilit ko itong kinain. Kahit na ang pangit talaga ng lasa. Effort na din naman kasi. Pero hindi ko pa rin siya papansinin.
“Sorry kung pangit yung lasa. Hayaan mo, next time, hindi na yan sunog”
After ko kumain, tumayo na ako at nag-ready ng mga gamit ko sa school.
“Tara, pasok na tayo.”
Mas nauna akong maglakad sa kanya at nanatili siyang nasa likod ka. Well, manigas siyang maging buntot ko.
***
Practice na. Buti na lang di ko siya classmates. Sumusuko na ba siya agad sa panunuyo niya sakin? Wag naman sana. Gusto ko rin ang feeling na ganito, well. Di ko kasi ‘to naramdaman kay Ian. Pag nag-aaway kami, ako din ang susuyo sa kanya sasobrang taas ng pride niya. Hindi kami magpapansinan for a week, and ako rin naman ang hindi makakatiis. I’m so pathetic, actually.
Nag-start na ulit kami mag-practice. Napatingin ako dun sa mga propsmen. Ayun, nakita ko na nag-uusap si Gayle at si Lance. Pero teka, parang wala si Jeremy?
Hmf! Bakit ko ba siya hinahanap?
“Oh my gosh!”
“Ang sweet!”
Nagulat ako sa mga sinabi ng mga tao sa paligid ko. Then, napatingin ako sa likod.
Then, I saw him. Jeremy.
Hawak niya yung gitara niya then he stares at me as if ako lang yung nakikita niya sa malawak na room na ‘to.
“Anica, I’m so sorry. . . Isa akong malaking jerk. Sorry na talaga. . . Mapatawad mo na sana ako. . .”
Lumapit siya sakin tapos nagsimula siyang kumanta.
"I wanna be last, yeah,
Baby, let me be your,
Let me be your last first kiss,
I wanna be first, yeah,
Wanna be the first to take it all the way like this"
Yung mga tao sa paligid nagsimula nang magtilian.
Gusto ko rin sanang tumili kaso nakakahiya naman.
“Patawarin mo na siya, Anica!” narinig kong sinabi ni Gayle.
Nagpatuloy lang si Jeremy sa pagkanta habang tumutugtog ng gitara. Nakatingin lang siya sa akin at panay ang lapit niya sa akin. Wala naman akong magawa kundi takpan ang mukha ko ng panyo. Partly nahihiya. At way din ‘to sa pagtago sa mukha ko na sobrang pula na. Nakakakilig din kasi.
Natapos din siya sa pagkanta then, nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
Lumuhod siya tapos naglabas siya ng isang Red Rose.
“Please, give me a second chance.”
“Oo na yan!”
“Sige na, Anica. Pagbigyan mo na!”
“Go Jeremy!”
Napatitig ako sa kanya then tumango ako.
“Yes. Okay. Sure”

No comments:

Post a Comment