Thursday, April 25, 2013

Chapter Nine


[Jeremy’s POV]

“Yung totoo? Ang laki ng eyebags mo ah? Puyat ba yun o. . . umiyak ka?” nagulat talaga ako sa hitsura ng babaeng ‘to. Grabe, mukhang na-harass e.

“Whatever. Wag mo na lang ako pansinin and be ready na. May practice tayo, okay?”

“Huh? Kailangan ba ako dun? Propsmen lang ako ah.”

“Of course, idiot. Gagawa ka ng props malamang. Duh?”

“Nako, oo na.” Binuklat ko yung newspaper na nakapatong dun sa table. Well, basa basa din ng news habang nakain ng sopas na niluto ni Anica.

Nagulat naman ako dun sa headlines nung dyaryo. Sosyal ah? Headlines talaga. Kung headlines na lang nila ang tungkol sa gamot sa Cancer o solusyon sa poverty, natuwa pa ako. Kaso ginawang headlines talaga ang ‘date’ daw ni. . . Anica at Ian?

“Teka, nag-date kayo kagabi?”

“It’s not a date. . .” nag-iba agad yung boses niya tapos tumalikod siya sa akin. Ganito pala siya talaga kasikat. I never thought.

“So, ano ‘to? Sabi nila kumain pa kayo sa isang resto?” hindi sa nagseselos ako ha. Pero syempre fiancé niya ako, mukha naman akong tanga na pinagtataksilan diba? Pwede ba na off limits muna for three months ang pakikipaglandian para naman at least sa ganung paraan e mukhang hindi joketime ang lahat.

“He <inaudible> . . . me” bulong niya na hindi ko naman narinig.

“Ano? Pakiulit nga. Ang hina ng boses mo ngayon ah.”

“He broke up with me. . .” then humarap siya sakin. Tapos umiiyak siya.

Sobrang napatulala ako sa kanya. Ni hindi ko alam kung ano yung ire-react ko. . . Siguro, kagabi pa siya naiyak. At wala man lang ako sa tabi niya. Anong klaseng fiancé ako? It’s not that I care but, ewan ko. Ayaw ko lang makakita ng babae na naiyak dahil sa lalaki. Kaya lalong dumarami ang mga babae na hindi na nagtitiwala sa mga lalaki e dahil sa virus na katulad ni Ian.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero bigla ko siyang niyakap. Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.

“Wag ka na umiyak” bulong ko.

Pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

***

“Okay, propsmen, tuloy lang sa paggawa ng tower na yan ah”

Nako, akala ba nila madali ang umupo at mag-paint? Hindi! Nakakangalay kaya!

Napatingin naman ako nun kay Anica na nagre-rehearse ng lines kasama ang ibang characters. Mabilis na nag-improve yung mata niya. Buti na lang, baka isipin pa ng ibang tao na pinaiyak ko siya.

Well, pinagchichismisan pa rin siya. Headlines ba naman ng dyaryo e. Actually, pati ako parang wala akong magawa para sa kanya. Hindi naman sa obligasyon ko siya pero ewan ko. Dala na rin siguro ‘to nung nangyari nung bata pa kami. Na pinapangako ko sa kanya na proprotektahan ko siya. Marunong pala akong magsabi ng mga ganun? Mukhang mas matino pa pala ang pag-iisip ko nung bata ako kesa ngayon.

Mabilis lang naman natapos ang pagre-rehearse ng lines. Kaya mabilis din kaming nag-pack up.

“Okay, kitakits na lang sa Monday, guys. Tuloy-tuloy pa rin ang practice natin, okay?

***

[Anica’s POV]

“Let’s end everything. . .”

“What do you mean? Are you breaking up with me?” hindi siya nagsalita. Crap, ayoko ng mga ganito e.

“Please, fiancé mo na siya, diba? Sana ito na ang huli nating pagkikita. Para wala na ring issue.”

“After. . .  everything? Ititigil natin ang lahat?”

Hindi pa ako makaiyak nung time na yun. Kakaiba kasi. Halo-halong emotions. Nangingibabaw lang talaga yung pagkalungkot. . .  at panghihinayang. Sobrang sakit.

“Please. . . sana maintindihan mo na ginagawa ko ‘to para sating dalawa”

“Sating dalawa? You’re dumping me! Hindi mo man lang ako pinaglaban! Iiwan mo na ako agad? Oo, may fiancé ako. Pero hindi mo man lang naisip na nakawin ako mula sa kanya. Do you really love me?” tanong ko sa kanya.

Matagal siya bago nakasagot.

“Yes, I do love you but. . .”

“But what? Ugh. Lagi kang may dahilan! Lagi kang may ‘buts’. And I hate it. But you know what, fine with me? Let’s just break up.”

Hindi na siya nagsalita ulit. At hindi na rin namin na-enjoy yung pagkain.

“Just let me take you home. . .”

***

Pag naalala ko talaga yung mga nangyari kagabi, naninikip yung puso ko. Tapos yung stomach ko parang nagcle-clench. Tapos bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Parang akong pinapatay. Ganito pala kasakit. Yung sayang yung two years na pinagsamahan namin. Sikreto man ang lahat pero minahal ko talaga siya.

Hindi ako sumabay sa mga groupmates ko sa pag-uwi. Kailangan ko din kasi ng alone time. So, tumambay muna ako dun sa gym at nag-isip isip na ren. Naalala ko tuloy yung pagkakayakap sakin kanina si Jeremy.
I wasn’t expecting that and I kinda felt good about it.

“Ano yan? Emo-emohan?”

Nako. Speaking of the Devil. Alam ko na ang boses na yan e.

“Shut up, loser.”

“Nako, tara na. Uwi na tayo.” Umupo siya nun sa tabi ko.

“Ayoko. Mauna ka na. Magmu-muni-muni muna ako.”

“Okay, iintayin kita.”

“Alone. I want some alone time. Space, please?”

Medyo lumayos siya sakin ng pagkakaupo.

“Ayan, personal space. Magmuni-muni ka na. . .”

I sighed. Mukhang hindi siya magpapatalo ah.

“Nakipag-break siya sayo, diba?”

“Ay, kailangan ulit-ulitin? Masakit na nga, diba?” then he laughed.

“Sorry naman. Well, wag mo siya masyado isipin. Pano ko ba ‘to sasabihin?”

Napatingin naman ako sa kanya nun.

“You deserve someone better. At grabe, wala namang kwenta ang Ian na yun. Alam kong mahal mo siya pero unang tingin ko dun, iba na talaga e. Makasarili siya at hindi niya iniisip ang kalagayan mo.”

Napatahimik ako dun. Nasasaktan ako na sinabihan niya si ian na walang kwenta pero naga-agree ako sa kanya.

“Pakiramdam ko pilit ka niyang binabago. Nako, wag na kung ganun. Wag kang magbago para mahalin ka. Dapat mahalin ka kung sino ka talaga. Kung ako sa kanya, I will always tell you that you are the perfect girl for me. . .”

Nagkatinginan kami. . . medyo awkward. . . bakit nga ba? Hindi ko alam kung bakit. . . But it made me feel better.

Napangiti ako dun sa sinabi niya. . .

“Ayan, ngumiti ka na din sa wakas. Tara, uwi na tayo. Gutom na din ako e. Ipagluto mo na ako. . .”

Nako, kaya naman pala pinagaan ang loob ko para ipaghanda ko siya ng dinner e. Tsk!

“Oo na! Lasunin kita dyan e!”

“Anong sabi mo?”

“Wala!”

“Kiss kita dyan e. Tara na!”

Kiss? Effin!

No comments:

Post a Comment