Wednesday, May 8, 2013

Chapter Eighteen


[Jeremy’s POV]
“Anica, break muna tayo pwede?”
Teka, parang ang awkward neto ah? Break?
“What? Jeremy? Nakikipag-break ka sakin?”
“Duh? Baliw ka ba? Break muna tayo. As in Time First muna. Hinga muna. Kanina pa tayo nagpra-practice e. Halos isang buwan pa naman bago yung presentation e”
“Whew! Akala ko nakikipag-break ka na sakin e!”
Teka, tayo ba? Kung pwede nga lang na maging tayo na ngayon, hindi ako makikipag-break sayo e.
“Sige na nga, pahinga ka muna”
Ayun, umupo muna kami sa sofa at nanood lang ng palabas sa TV.
Ako lagi ang ka-partner ni Anica kapag prina-practice niya ang mga lines niya para dun sa play. Masyado niya kasing kina-career. At gusto niya na perfect ang pagkakaganap niya kay Isolde pagdating sa play. Kaya naman maayos lagi yung rehearsals nila, syempre sa tunay na practice yun. Propsmen lang naman ako e, at proxy ni Lee pagdating sa bahay.
Nagkakasundo na rin kami ni Anica pagdating sa mga gawaing bahay. Imbis na siya lagi ang nagluluto ng pagkain namin, minsan ako na. Well, natuto na rin naman ako kasi tinuruan niya ko. At joined forces na rin kami sa paglilinis ng buong bahay. At mukhang nagkakamabutihan na kami, naks. Well, ewan, baka kasi one sided lang din ang nararamdaman ko.
Hindi na namin napagusapang muli yung tungkol kay Gayle at Ian. Hindi ko tuloy alam kung anong nararamdaman niya. Ok na ba siya? Or nagpapanggap lang siya na ok siya?
*ding dong*
“Jeremy, buksan mo ung gate”
“Ikaw na, tinatamad ako.”
Nagkatinginan kami at nagbato-bato piks.
Scissors. Ako.
Bato. Siya
Tapos ngumiti siya sakin. Nako, ako pa talaga yung magbubukas ng gate. Lumabas ako ng bahay namin at nagulat sa nakita ko.
“Grandpaps?!”
Tagal ko na pala siyang hindi nakikita. Aba, namiss ko din ang loko-lokong matandang ito.
***
“Wow, ang ganda ng bahay. Ine-expect ko e sobrang madumi ito pag dumalaw na ako sa inyo”
Seryoso? Grandpaps? Nasa harapan niyo kami at nagsalita pa talaga kayo ng ganyan ah? Baliw talaga ang lolo na ‘to e.
“Anyways, kamusta naman na kayo, Anica at Jeremy?”
“Okay naman kami, grandpaps. Kayo po kamusta? Okay po ba yung bago niyong caretaker?”
Ay oo nga pala, nang tumira si Anica sa bagong bahay, nagkaroon ng bagong caretaker si Grandpaps.
“Ay, si Josephine? Nagkakamabutihan na kami. Actually, we’re seeing each other”
Yung caretaker na sexy at maganda, pumatol kay Grandpaps. Nako po. Bulag ba ang babaeng yan?!
“Grandpaps, hay nako naman oh.”
“Binibiro lang kita, iha, e paano kayo? Itutulo niyo ba ang kasal?”
Parang nabilaukan ako dun ah. Gusto ko sanang sabihin na `oo, gusto kong ituloy yung kasal` pero nung makita ko yung reaksyon ni Anica, hindi ko maintindihan. Parang hahayaan ko na lang na siya ang mag-decide. Kung ano man. . . sino man ang pipiliin niya, basta kung saan. . . o kanina siya masaya, okay na yun sakin. Hindi na ako papalag pa.
Martyr na kung martyr. Tanga na kung tanga. Pero ganun naman talaga kapag nagmamahal, diba? Dun mo lang maiintindihan ang salitang `Sakripisyo`. At ang salitang `sakit`.
“Nako, grandpaps, may one month pa kami para dyan, diba?”
“Ay, oo nga pala. Excited na kasi ako e”
Oo nga no. Dalawang buwan na pala ang nakalipas mula nang tumira kami sa iisang bahay. Masasabi ko naman na naging close na talaga kami ni Anica at mas nakikilala ko ang tunay na siya. At sa dalawang buwan na yun, minahal ko na siya. Ng totoo.
E siya kaya?
Parang ang labo.
Pero ewan, bahala na.
Pero ano na kayang iniisip ni Anica ngayon? Hay, hindi ko alam.
***
Nagkwakwentuhan pa kaming tatlo. Tungkol dun sa play at kaunting tungkol sa studies. Pagkatapos naming mag-merienda, umalis na si Grandpaps. Hay sa wakas, wala na rin siya.
“Loko loko talaga si Grandpaps no?”
Napansin ko na parang bigla siyang tumahimik.
“Jeremy, may tanong ako sayo.”
“Ano yun?”
“So what do you think? Gusto mo bang ituloy ‘to hanggang kasalan?”
Teka, seryoso ba ‘to? Tinatanong niya ba talaga ako?
Oo, gusto ko. Pero bakit parang ang hirap sabihin?
At bakit ako ang tinatanong niya. Sagot niya nga ang gusto kong malaman e. Pero ano pa bang magagawa ko—
I wanna be last, yeah,
Baby, let me be your,
Let me be your last first kiss,
Teka, boses ko yun ah? Ay, yung cellphone ni Anica. Saved by the bell, I guess.
“Oh, hello?”
Parang biglang nag-iba yung mood ni Anica. Yung parang nalilito na ewan. Hindi ko maintindihan. Ang hirap niya talagang basahin.
“What? Okay, pupunta na kami dyan” then, binaba na niya yung phone.
“Sino yun?” I might as well ask, diba? Mukhang urgent e.
“Si Gayle. Nag-collapse bigla yung mommy niya and ako lang ang matatakbuhan niya. Well, tayo lang ang matatakbuhan niyo so sinabi ko na papunta na tayo dun sa ospital.”
Nagulat ako nun kay Anica. Grabe, pagkatapos ng mga panloloko ng babaeng yun sa kanya, tutulungan niya pa rin? Gayle must be really lucky to have her as a friend. Sana hindi na lang niya piniling lokohin si Anica.
“Sigurado ka ba dyan? Kasi kung oo, tara na. Saan ba ang ospital?”
“Oo, sigurado ako. Alam ko kung saan, tara”

No comments:

Post a Comment