[Jeremy’s POV]
Isang buwan na nga pala nang ma-engage kami ni Anica. Pero parang ang
dami nang nangyari? Nung una, galit na galit siya sakin pero ngayon, hindi na.
Magkaibigan na kami. The funny thing is ako pa nga ‘tong may gusto sa kanya. E
siya kaya? Selosa lang naman siya pero ang mahal niya pa rin ay ang lokong ‘to
na si Ian.
Pumunta ako office niya. May itatanong daw siya sa akin e.
“Ano nga pala itatanong mo, sir?”
“Let’s treat each other as equal kahit ngayon lang, Jeremy.”
“Ah, sige, ano yung itatanong mo Ian?”
Wow. Sarap pala sa pakiramdam na tawagin sa unang pangalan ang teacher
mo.
“Kamusta na si Anica?”
Takte, usapang Anica pala to.
“Ok naman siya. E ano naman sayo?”
“Wa-wala. . .”
Siguro hindi na rin sila nagkakausap mula nung makipaghiwalay siya kay
Anica. Sino nga naman ba ang mag-ex na magkakaron pa rin ng communication
pagkatapos ng isang break up, diba?
“I mean, hindi naman siya umiiyak, di—“
“Alam mo, wag ka nang mag-maang-maangan pa. Nagu-guilty ka rin siguro,
no? Kasi nasaktan mo siya nang sobra at alam mo yun sa sarili mo. Na wala kang
ginawa kundi ang saktan yung damdamin niya.”
Hindi siya nakapagsalita.
“Oo, umiyak siya nung mga panahon na nawala ka. Pero alam mo kung bakit
okay lang? Kasi andun ako nung wala ka. Tandaan mo, andun ako para sa kanya
nung wala ka. She had me when she needed you the most. Kaya ngayon, I am
stealing her away from you. . . But to begin with, wala na pala ngayon no?”
Hindi ko alam kung anu-ano na ang mga nasabi ko. Basta tuloy-tuloy lang
ang labas ng mga words. Feeling ko dati ko pa rin ‘to gustong sabihin sa kanya.
Sadyang humahanap lang ako ng tiyempo. Pero lahat ng sinabi ko sa kanya ay
totoo.
“Anong tingin mo sa sarili mo? Her Prince Charming?”
“No, kasi hindi ako tulad mo na walang ginawa kundi umasta na parang
prinsipe. I’d rather be his knight.”
Alam kong sobrang korni na nung mga sinasabi ko pero hindi ko alam,
basta basta na lang lumalabas galing sa bibig ko e. Parang matagal ko na
talagang tinatago ‘tong mga nararamdaman ko.
“Nice choice of words, Jeremy. Pero kung ako ang mahal ni Anica, wala
kang magagawa.”
“Oo, alam kong wala akong magagawa. Pero wag ka masyadong makampante.
Kasi hindi ako katulad mo.”
Nagkaroon ng katahimikan at nagkatinginan lang kami ni Ian.
“Yun lang ba ang itatanong mo, Ian?”
“May isa pa. Do you love her?”
Napaisip ako nun at napatingin ako sa kanya.
Mahal ko nga ba siya?
***
“Guys, nagkaroon ng memo na part ng Foundation Week natin ay isang
Swimming Party para sa buong University. Pre-party daw 'to para sa Celebration.”
Nagwala yung division namin. Gustong-gusto kasi talaga nilangh i-push
yung Swimming Party na yan e.
“woohoo, madaming chicks dyan!”
“Nako, Jeremy, ito na o. Ikaw na kumuha ng mga stolen shots o. Sige na
naman o”
“Out of business na nga ako. Kulit niyo!”
“KJ mo naman, Jeremy!”
“Overnight lang naman yun, guys. So maghanda na tayo, okay?”
Napatitig naman ako sa may bintana. Ano kayang mangyayari sa Swimming
Party na yun? Andun pa naman si Ian at si . . . Gayle. . .
***
*what happened back there*
“May isa pa. Do you love her?”
Sasagutin ko na sana yung tanong niya kaso bigla akong nagulat sa
babaeng pumasok dun sa office niya.
“Hey, sir Ian, I want to do something naughty tod— huh? Oops. . .”
Nakita ko si Gayle. Naka-unbutton na yung blouse niya showing off her
black bra. Teka, anong nangyayari dito?
“Shit, Gayle, I told you to knock.”
Nagulat ako sa mga nakikita ko. Magkaibigan si Gayle at Anica ah? At
girlfriend ni Gayle si Lance. At alam niya na mahal ni Anica si Ian pero bakit.
. .
“It’s not what you think, Jeremy. . .”
“Alam mo, ang laki mo talagang gago!”
Di ko na napigilan ang sarili ko kaya bigla ko siyang sinuntok.
No comments:
Post a Comment