Wednesday, May 8, 2013

Chapter Twenty Three


[Jeremy’s POV]
Tapos na ang Play. Tapos na ang Foundation Week. At malapit na ring matapos ang exams. . . pagkatapos ng mga nangyare, hindi na rin kami nagkita ni Anica. . . pero eto ngayon, nasa harapan ko lang siya. Katabi ang lalaking pinakamamahal niya.
Napatingin siya sakin. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ng mga mata niya. Matagal kaming nagkatitigan. As if our eyes were locked with each other.
Anica, maingay ka. Ang tinis ng boses mo at nakakairita.
Ang hilig mo sa One Direction at KPOP na madalas nakakabanas pakinggan.
Ang bilis mong magalit at magtampo. Moody ka.
Sintunado kang kumanta at ikaw ang dahilan kung bakit umuulan.
Pero kahit ganun pa man, mahal kita.
Sana alam mo. Sana nasabi ko yan sayo. Na hindi mo kailangan magbago para mahalin ka ng ibang tao.
Kasi ako, ito na nga. Mahal kita sa kung sino ka man.
Napatayo siya at tila bumabagal ang buong paligid.
Kiss her in the rain.
And when you fall in love with her, tell her.
Maraming tao sa engagement party ni Ian at Anica. . . pero sa moment na ito, pakiramdam ko, kami lang ni Anica ang nasa kwarto na ‘to. . .
Kusang naglakad ang mga paa ko papalapit sa kanya. At ganun din siya. . . lumapit siya sakin. . .
Alam namin na halos lahat ng tao ay nakatingin lang sa amin pero wala na lang kaming pakialam dun. . .
“Anica!” tawag sa kanya ni Ian pero mukhang niya napansin. . .
“Jeremy. . .”
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. . .
“Please, Anica, run away with me. . .”
Ngumiti siya at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Let’s go, Jeremy.  . .”
Parang nangyari na ito dati. . . tumatakbo kami at magkahawak kamay kami. Parang nung una lang kaming tumakas sa engagament party namin. Ang ironic lang ngayon dahil engagement party nila ni Ian ang tinatakasan namin.
Hindi ko naman akalain na mangyayare ‘to e. At hindi ko rin ine-expect.
Nakita namin si Grandpaps na nakaharang sa may pintuan. Parang galit ang expression niya sa amin. . .
“Grandpaps!”
“At saan naman kayo pupunta?”
Nagkatinginan kami ni Anica. . . at nagkaintindihan kami. . .
Mabilis kaming tumakbo sa gilid ni Grandpaps. Mukhang nirayuma pa siya nang lumiko siya para tingnan kami. Nako po, lagot kami sa matandang ito pag nagkataon.
“Sorry, grandpaps!” sigaw namin ni Anica.
Sermon ang abot namin dito.
Nakita ko si grandpaps nun. Pero hindi siya galit. . . actually, nakangiti pa siya sa amin. Yung tipong parang ine-expect niya rin na mangyari ito. . . yung tipong plinano niya rin na mangyari ito.
Fairy god grandpaps ba? Pwede na rin.
***
Napunta kami ni Anica sa park at magkahawak kamay pa rin kami. Nang ma-realize namin yun, bigla naming kinalas yung mga kamay namin.
“So-sorry. . .”
Sobrang tahimik naming dalawa. . . nako po, Jeremy. . . tumitiklop ka na naman.
Ako na nga ‘tong nagsabi sa kanya na `run away with me` pero `sorry` lang ang nasabi ko. Hay nako, ang torpe ko talaga.
“So, what? Why did you ask me to run away with you?”
Ito na nga ba sinasabi ko e. . .
“Di ko din alam”
Aray!
Takte, naging amazona na naman ang babaeng ‘to! Binatukan na naman ako!
Tumahimik na ulit kami. Ito na talaga. Kailangan ko lang ng isang baldeng lakas ng loob at masasabi ko na sa kanya ang mararamdaman ko.
“Anica. . .”
Takte, wrong timing. Bigla pang umulan.
“Hay nako! Yung make up ko nasira na dahil sa ulan!”
Ayan na naman. Ang ingay na naman niya!
“Ano ba yan, Anica?! Kumanta ka na naman ba?! Umulan tuloy!”
Aray, binatukan na naman ako.
“Aasarin mo lang ba talaga ako?! Ano ba talaga?!”
Sobrang lakas ng ulan. . . at maraming taong nasa paligid pero minsan lang ‘to mangyari. . .
Nasa harapan ko na ang taong pinakamamahal ka. . .
Ito na. . . gagawin ko na. . .
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung mukha niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. . . hindi ko na inintindi ang mga taong nakapaligid samin at ang malakas na ulan. . .
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ko sa kanya yung feelings ko kaya siguro ito na lang. . .
Dinampi ko ang labi ko sa kanya. And I kissed her. . .
Parang tumigil yung mundo. . . parang nagkaroon ng sunny day sa sarili naming ginagalawan. . . ganito pala ang feeling ng kiss in the rain. . . at sa taong mahal mo pa. . .
Nagkatinginan pa kami nun at ngumiti siya sakin. . .
“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo pero mahal na mahal kita, Anica. . .”
Tahimik lang kami pagkatapos nun. Teka, ano ‘to? Ire-reject niya ba ako. Ninenerbyos ako sa kanya ah.
“Magsalita ka naman. . . ire-reject mo ba ko?”
Umiling siya sakin.
“Speechless ako. . . sobrang saya ko kasi. . . parang sasabog na yung puso ko. . .”
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
“Ako din sasabog na. . .”
“I love you, Jeremy. . . Mahal na mahal din kita. . .”

No comments:

Post a Comment