Monday, April 22, 2013

Chapter Four


[Jeremy’s POV]

Katabi ko si Anica ngayon. Nakaupo kami dun sa dining area nila at katapat namin si Grandpaps. Nahahalata ko kay Anica na kinakabahan siya. Bakit kaya?

“Iho, buti naman at nakapunta ka na. Mukhang ayos na ang mukha mo. Nag-alala ako na hindi ka nakapunta nung isang araw”

“Ah, opo. Ayus naman na po ako. Bakit naman po niyo ako biglaang pinapunta rito?”

“Ah—paano ko ba ipapaliwanag ‘to?” sabi ni Grandpaps sabay kamot ng ulo.

“Ugh, ako na nga po magsasabi, Grandpaps”

Nagkatinginan kami ni Anica.

“You’re gonna marry me, you idiot”

HA?

Teka, rewind rewind. Bakit ang bilis ng mga pangyayare?! Uulitin ko ha, ang sinabi ni Anica ay papakasalan ko daw siya. Teka, nabuntis ko ba siya nang kunan ko siya ng litrato at ngayo’y mapipilitan akong panindigan siya?

Seriously, bago ang lahat. Paano nangyari yun? Rewind na lang natin sa mga nangyari nung Thursday.

***

Thursday.

Hindi na ako tumuloy na makipagkita kay Grandpaps. Una, nakakahiya yung ginawa ko sa apo niya. At pangalawa, mukhang di pa rin ako ready na malaman kung ano ang tingin niya sa tatay ko. Baka mamaya baon pala kami sa utang, pagbayarin pa ako. Wag na. Haha.

Napagpasyahan ko na mag-cut ng klase nung hapon na. Kung bakit? Di ko rin alam e. Parang gusto ko unang i-shut down ‘tong utak ko at mag-reflect sa mga pagkakamali ko. Naks, ginagawa ko pala yun?

Pumunta muna ako sa rooftop ng building namin. At umupo ako sa sahig at sumandal sa pader habang nakatingala lang sa langit. Sayang, hindi ko dala yung camera ko. Hindi ko tuloy makuhaan yung gandang ‘to.

Nga pala, sa isang Arts University ako nag-aaral. Syempre, Photography ang major ko. Yun kasi talaga ang hilig ko at magaling talaga ako kumuha ng photos, alam niyo na yan! Kaya nga hindi ko alam kung bakit may subject kami na ‘Economics’ e. Pang-epal lang.

Magmo-moment pa sana ako nang may marinig akong dalawang pamilyar na boses sa kabilang pader. Isang babae at isang lalaki.

Si Sir Ian at Anica.

Hindi ko naman kasalanan na marinig ko ang pinaguusapan nila. Biniyayaan ako ng Diyos ng tenga at wala akong magagawa kundi gamitin ito.

“Bakit ba? Bakit ba hindi natin kaya na ituloy ‘to? Diba mahal naman natin ang isa’t-isa? Bakit ganito pa tayo? Laging nagtatago?” si Anica ‘yon.

“Hindi mo talaga ako maintindihan Anica. Teacher ako sa university na pinapasukan mo. Ano na lang ang sasabihin nila tungkol sa relasyon natin? Tsaka, masyado kang kilala dito. Lagi kang tinitingnan, ayaw ko na pagchismisan ako ng faculty at students dito. Intindihin mo naman ang kalagayan ko.”

Ano daw? So, parang sinisisi pa ni Sir Ian ang kasikatan ni Anica?

“Ian, alam mo na kaya ko isakripisyo ang lahat para sayo. Sabihin mo lang. Pwede akong umalis sa univeristy na ‘to. Sa iba na lang ako.”

“No, you can’t do that. Diba sabi ko sayo gusto ko dito ka mag-aaral at sa Ballet ka dapat mag-focus. May talent ka e. Wag mong sayangin yun.”

“Hindi ko naman gusto ang Ballet e. Alam mo na gusto ko talaga ang fashion designing sa Paris. Pero tingnan mo, pumayag ako kasi yun ang sabi mo. So please, Ian, ako nagsakripisyo na. Paano naman ikaw?”

Huh? Nag-ballet siya tapos hindi naman niya gusto? Si Ian pala may gusto. E di sana si Ian na lang ang nag-ballet nang sana’y mabalian ng buto!

“Please, Anica. Stop being a child! Yan ang hirap sayo e. Isip bata ka pa rin. Hindi mo talaga ako maiintindihan.”

Nagkaroon ng matinding katahimikan.

“Ian, please, run away with me.”

Run away with him? Heck, no. Baliw na ang babaeng ‘to. E mukhang control freak ang lalaking yan e.

“What are you talking about?”

“Si Grandpaps, Ian. Si Grandpaps, nakita niya na yung heir ng company niya. And alam mo naman ang history ng family namin, diba?”

“What? Heir? You’ll be married?”

“Yes, Ian. So please, run away with me.”

***
Friday.

Bumalik naman na ang sigla ko. Ayun, hindi pumasok si sir Ian. Hala, baka nga nakipagtanan na kay Anica. Sus, ang drama naman ng storya nila. May pakasal-kasal pang nalalaman ah. Kaartehan lang yan.

“O Jeremy, wala ka bang bagong kuha dyan?” tanong sakin ni Lee.

“Lee, next time na. On leave muna” at marami naman akong pera e. Wahehe.

Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pala.

Unknown Number. Wow, sino to?

Sinagot ko.

“Hey.” Kaninong boses ‘to? Parang pamilyar ah.

“Sino ‘to?”

“This is Anica Consejo. Jeremy Shin De Luna, right? My grandpaps wants to talk to you. Tomorrow. Please come to our house”

“H-ha? Teka, paano mo nakuha ang num—“

“No more questions, please. Just come. ‘kay, bye.”

***
And here comes, Saturday.

“You’re gonna marry me, you idiot”

“Ako? Papakasalan ka?!”

No comments:

Post a Comment