[Anica’s POV]
Jeremy has been acting weird lately.
Ewan ko ha. Pag nasa bahay kami, hindi siya masyado makatingin sa akin
ng diretso. Tapos napansin ko na rin na umiiwas din sakin si Gayle. At may
times na nahuhuli ko silang nagbubulungan. Pero hindi yung bulungan na tulad ng
dati. Ngayon kasi, parang galit si Jeremy e. Parang lagi siyang wala sa mood.
Ngayon yung Swimming Party namin. Sabay kaming pumunta dun sa
university pool. Oo, ito na yung swimming party. Dun sa pool ng university
namin. Pero okay lang yun, kasyang-kasya ang buong student body. Tatlo ba
namang Olympic Size Pools ang meron dito. Merong mga naka-bikini. Iba naman
pa-safe ang damit. Syempre, ako, shorts at sando lang. Conservative din naman
ako no. Si Jeremy naman parang walang balak mag-swimming. Naka-pants pa siya at
naka-plain blue na shirt.
“Hey, hindi ka pa ba magswi-swimming?”
“Ha?” ugh. See? Lutang na naman siya e.
Then, nagulat naman ako kasi nakita kong si Ian na dumaan samin. May
black eye siya sa kaliwang mata niya. Tapos ang sama ng tinginan nila ni
Jeremy. Ano kayang nangyare?
“Sorry, papanuorin na lang kita. Wala ako sa mood mag-swimming e”
“So KJ. Dyan ka na nga!”
Iniwan ko muna siya at nakisali ako dun sa mga ka-division ko kahit na
hindi ko naman sila masyado ka-close. Pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko
yung pag-asta ni Jeremy this days.
Wala naman akong ginagawang masama, diba?
May problema ba siya?
***
[Jeremy’s POV]
Sobrang wala talaga ako sa mood. Nakita ko pa yung Ian na yun. How dare
he? At talaga pumatos pa ng estudyante ah. At si Gayle pa na kaibigan ni Anica.
Napakawalang kwentang tao. Gusto ko sanang sabihin kay Anica kaso baka hindi
naman siya maniwala sakin. To think na ang involve sa nalaman ko ay ang ex niya
na mahal pa niya at ang kaibigan niya na si Gayle. Sino nga naman ba ang
paniniwalaan niya, diba?
Maya-maya ay lumapit sakin si Gayle at tumabi siya sa pagkakaupo ko sa
mga bleachers.
“Hey.” Amoy sigarilyo siya. Nakakabadtrip.
“O, anong kailangan mo?”
“Hindi niya alam, diba? Wala siyang alam, diba?” ito lagi ang ibubulong
niya sakin everytime na lalapit siya. Takte, hindi ko akalain na ganito siyang
babae. Nakakabwiset.
“Lumayo ka na nga.”
Then, tumayo siya.
“Sumunod ka sakin. Kailangan natin mag-usap.”
***
[Anica’s POV]
Nakita kong magkasama si Gayle at si Jeremy. Ito na naman sila. Pero
iba yung feeling na ‘to e. Parang kinakabahan ako. Hindi naman sila mukhang
sweet or anything. Mukha nga silang magkagalit e.
“Anica, tara, dun tayo sa mas malalim.”
“Ay, kayo na lang. May pupuntahan lang ako.”
“Sige!”
Umahon muna ako at sinundan ko sila. Dahan-dahan lang para hindi nila
ako mapansin. Then, nagtago sila sa mga shower room ng girls. Oh my, anong
gagawin nila?
Nagtago ako at sumilip ako ng kaunti. Lumapit si Gayle kay Jeremy in
the most seductive way possible. Ugh, ano bang ginagawa niya?! Susugod na sana
ako kaso biglang nagsalita si Jeremy. . .
“O, ano yan? Dinadaan mo na din ako sa katawan mo? Wag mo kong itulad
kay Sir Ian. . .”
Nagulat ako sa narinig ko kay Jeremy. Anong ibig sabihin nun? Humiwalay
naman si Gayle sa kanya at dumistansya.
“Hindi mo kami maiintindihan ni Ian. . .”
“Sige. Mag-explain ka ngayon din. Kaibigan ka pa naman ni Anica. Alam
mo naman na may relasyon sila. . . dati, diba? Pero mas pinili mong
mang-traydor ng kaibigan mo. . .”
Si Ian at Gayle?
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto ko sanang isipin na ang lahat ng
ito ay isang panaginip lang. Please, tumigil na kayo sa pagsasalita. Ayoko nang
marinig pa ang mga kasunod. Pero, bakit may alam si Jeremy? At hindi man lang
niya sakin nasabi ito.
Wala na ba talaga akong kaibigan?
“Hindi mo alam ang pakiramdam na bata ka pa lang, shadow ka na lang ng
isang tao. Bata pa lang ako, anino lang ako ni Anica. Ako yung tinatawag na
`kasama ni Anica yan`, I was never `Gayle, yan yung magaling`. Laging ako yung
`ay si Gayle, yung laging kasama nung magaling, si Anica`. I wanted to be like
her. Gusto ko nga lahat angkinin sa kanya e. Pero wala e, nasa kanya lahat ng
gusto ko. Kahit si Ian, sa kanya. . . Pero alam ko na hindi sila compatible.
Kasi ang gusto ni Ian ay yung katulad ko. Kaya wala kang magagawa o kahit si
Anica na magagawa kung ako na ang pinili ni Ian—“
Nagulat ako nang sampalin ni Jeremy si Gayle. Hindi ko na napigilang
umiyak.
“Kaibigan ka niya. So ibig sabihin all this time, nagpapanggap ka lang
bilang kaibigan niya? Wala kang karapatan para maging kaibiga—“
“Oo, nagpapanggap lang ako! Kasi ang totoo niyan, I really hate everything
about her. At masaya ako na nakipag-break sa kanya si Ian. At least, masosolo
ko na siya. Kahit na sikreto lang ang relasyon namin ni Ian, okay lang!”
“At paano si Lance? Umiyak ka pa nun sa harapan ko nung nag-break kayo,
diba? Wag mo sabihing niloloko mo lang siya!”
“He’s just a show. And oo, iiyakan ko ang isang palabas na hindi ko man
lang natapos.” Hindi ko na masyado gets ang mga nangyare.
Na-realize ko na kanina pa pala ako iyak ng iyak at medyo nahihilod na
din ako. Tumayo ako ng tuwid nun pero parang magbre-breakdown na yung katawan
ko. Hindi ko sinadyang masagi yung rack kung saan nakalagay yung mga bola ng
basketball.
Napatingin si Gayle at Jeremy sa akin.
Parang hindi nila alam kung ano ang sasabihin sakin.
“I can’t believe this, guys” yun lang yung nasabi ko sa kanila.
At mabilis akong tumakbo papalayo.
“Anica! Teka lang!”
No comments:
Post a Comment