[Jeremy’s POV]
Tuesday.
Umagang-umaga.
“Ay, grabe, si Anica
Consejo yan, diba?”
“Oo, di ko akalain na
makukuhaan siya ng ganyan.”
“Nako, ganyan talaga.
Bagay yan sa kanya e! Ha ha ha!”
Kakaiba mga naririnig
ko sa mga tao ngayon ah. Anong meron kay Anica Consejo? Napansin ko na maraming
estudyante ang nagtitipon sa harapan ng bulletin board. Dahil sa curious din
naman ako, pilit akong lumapit sa bulletin board.
Ano kaya ang nakalagay
du—
Teka, mga kuha ko ito
kay Anica sa banyo nila, ah? Unti-unting nag-sink in sakin ang mga nangyari.
Limang litrato ni
Anica na naliligo ang naka-post sa bulletin board namin. At sa isang cartolina
ay nakalagay ang mensahe ni Fred kay Anica.
“Anica, ito ang
nararapat sayo. Pagkatapos mo akong ipahiya, hindi kita mapapatawad. Ginawa ko
naman lahat para sayo pero anong ginawa mo? Pinaasa mo lang ako. I love you.
But I might as well, fock you off. Fred” binasa ko yung nakasulat sa cartolina.
Teka, di ko ito alam
ah. Nanligaw pala si Fred kay Anica.
Actually, divided na
nga ang utak ko e. Mas naiisip ko na ako ang may kasalanan rito e. Kung hindi
ko kinuha yung mga litrato na yan, e di sana hindi ito maipopost sa bulletin
board.
Ang hirap talaga kapag
konsensiya mo na yung kalaban mo. Wala kang takas.
Pero kung susundin ko
naman ang konsensiya ko, malamang, mapapahamak ako sa grupo ni Fred.
Napatingin ako sa may
likod ko.
Nakita ko siya. Si
Anica.
Nakatitig lang dun sa
mga pictures.
Sorry. Gusto ko sanang
sabihin.
***
Si Anica pa din ang
pinaguusapan ng mga estudyante sa school. Pati ata ang mga nagtratrabaho sa
cafeteria, siya rin ang topic. Ganun pala siya kasikat. Malakas pala ang impact
ng mga ginawa ko.
Lunch time na. Tumayo
ako at lumapit ako sa teritoryo nila Fred sa caf.
“O, pre, ayos ba yung
ginawa ko? Ganda ng mga kuha mo kay Anica ah” sabi ni Fred at nagtawanan ang
mga talangkang kasama niya.
“Pre, labas tayo.
Kailangan natin mag-usap.”
Sumunod naman siya
sakin. Lumabas kami ng cafeteria at nagpunta sa gym. Kahit na breaktime, marami
paring tao dito sa gym.
Siguro, ako naman ang
susunod na mapagchichismisan sa university.
***
[Anica’s POV]
Dismissal Time na.
Hays, wala na. Pinagchichismisan na naman ako sa school. Dadami na naman ang
haters. Ugh, gusto ko lang naman ng peaceful life e. Gusto ko sana yung
simpleng buhay lang.
Ayaw ko yung buhay na
ganito. Yung tipong, lahat ng tao nakatingin sayo. Binabantayan lahat ng galaw
mo. Papansinin nila ang mga pagkakamali mo pero kakalimutan nila ang mga
naitama mo.
Kaya siguro tinigil ni
Ian ang rela-- . Ugh, ayaw ko na maalala.
“Anica, tingnan mo ang
bulletin board!” sabi ni Gayle. Siya lang ang nakakausap ko ng matino dito sa
university.
“Nako, Gayle. Makikita
ko lang ang mga nakakahiyang pictures ko doon”
“Hindi, Anica!
Promise. Tingnan mo lang”
Pumayag naman na ako.
Lumabas kami ng classroom at pumunta sa bulletin board. Ang daming mga
estudyante na nagtitipong. God, nakakahiya naman to oh.
“Uy si Anica oh!” sabi
ng isang estudyante na hindi ko naman kilala.
Nagulat ako nang
makita ko kung sino yung nasa bulletin board.
Andun siya. Yung walangyang
photographer. Hindi ko alam yung pangalan niya.
Pero may kakaiba sa
kanya. May black eye siya sa kanan niyang mata. At namamaga yung pisngi niya.
Anong ginawa niya? At paika-ika pa siya sa paglalakad habang dahan-dahan niyang
tinatanggal yung mga pictures ko sa bulletin board.
Hindi ko alam yung
mararamdaman ko.
Salamat. Gusto ko sanang
sabihin.
Lumapit ako sa kanya.
At pagdating dun sa huling picture, sabay naming tinanggal ito. Tapos
nagkatinginan kami.
Ngumiti siya. Kakaiba
yung ngiti niya. Totoo.
Despite sa mga fake
smiles na binibigay sakin ng mga tao, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong
smile.
“Sorry.” Bulong niya.
Lalo akong hindi makapagsalita.
***
*What really happened
back there*
[Jeremy’s POV]
Hindi ko alam kung
tama pa ba ‘tong gagawin ko o ano? Basta ang alam ko, kailangan kong maituwid lahat
ng mga ginawa ko. Naks, maituwid talaga!
“Fred, hindi mo naman
sinabi sakin na balak mo pala siyang ipahiya sa mga tao” sabi ko.
“Oo, tama naman yun sa
kanya. Pagkatapos niya akong paasahin tapos gina—“
“Wala akong pakialam
sa lovestory mo. Ang sa akin lang, may copyright at privacy contract ang mga
pictures ko. Hindi pwede na i-publicize ito at dahil dyan, kailangan mo pang
magbayad ng penalty. 2000 per picture. 10,000 pesos yun to be exact” sabi ko.
“Ha? Sa tingin mo ba
papayag ako sa mga ganyan mo? Kilala kita Jeremy Shin. Alam ko kung paano mo
lokohin ang mga estudyante dito. At hindi ako katulad nila” medyo nakakatakot
na ang boses ni Fred. Isabay mo pa ang mga frat men na nag-aabang lang sa
likuran niya.
“Ang sa akin lang,
pakitanggal na lang ang mga pictures ni Anica. Hindi ko na kayo pagbabayarin ng
penalty kung gagawin niyo yun.”
“Aba, asa ka pa.
Mababangasan muna ang mukha mo bago matanggal ang mga pictures na yan”
Black Out.
Seryoso, mahina ang katawan
ko sa bugbugan e. Apat na tao ba naman ang nagtulong-tulong sakin. Hindi na rin
ako nakapalag.
Na-realize ko na lang
na nakahiga na ako sa kama sa clinic.
Masakit ang buong
katawan ko pero pilit pa rin akong tumayo. Lumabas ako ng clinic at dahan-dahan
na pumunta sa kung nasaan man ang bulletin board.
Ganito pala ang
feeling na mabugbog, seryoso, hindi na talaga ako uulit.
Dahan-dahan kong
tinanggal ang mga pictures niya. Sana naman sapat na ‘to para hindi na ako
guluhin ng konsensiya ko.
No comments:
Post a Comment