[Anica’s POV]
Hindi na ako makatulog pagkatapos ng mga
nangyare. . .
“Anica. . . I love you. . .”
Ugh, pag naalala ko yung sinabi sakin kanina
ni Jeremy, parang naiiyak ako. Gusto ko sanang sabihin `I love you, too,
Jeremy. Mahal din kita` kaso hindi ko masabi. Natatakot ako na magsalita e. . .
Kasi sa ngayon, andun pa din yung
panghihinayang ko kay Ian. Hindi ko na nga alam kung paniniwalaan ko ba si
Gayle e.
Medyo masaya din kasi ako nang nalaman ko na
mahal ako ni Ian. Pero mukhang mas sumaya ako na malaman na mahal din pala ako
ni Jeremy.
“Jeremy Shin. . . naguguluhan na ako. . .”
***
Lalong naging awkward ang mga dumaan na araw.
Minsan nagkakabuhol-buhol na lang yung sasabihin ko kapag kausap ko siyua.
“Jeremy. . . paabot nga yung sandok este yung
ulam” God, anong nangyayare sakin?
Sabay iaabot niya sakin yung ulam. Sabaw na
sabaw na talaga ako e.
Mas naging busy ang mga sumunod na araw.
Tinambakan kasi kami ng projecs at syempre, kina-career pa rin namin yung play.
Halos isang linggo na lang na rin kasi. Kailangan na naming mag-dress
rehearsals at syempre, kasama na dapat yung props.
“Okay, guys! Ganito yung placing ng props,
okay? Dito yung barko tapos. . .”
Patuloy lang sa page-explain yung Stage
Director namin. Nakita ko lang si Jeremy at nagkatinginan kami. Gusto ko sanang
ngumiti pero ito na naman ako. . . napapaurong na naman.
Prinactice namin ang buong play. Ayos ang
first dress rehearsal namin. Uulit-ulitin na lang namin hanggang ma-perfect
namin. Gusto kasi talaga naming maging succesful ang play namin e.
Chineck ko naman ang phone ko nun. At nagulat
ako sa nakita ko.
One text from an unknown number.
At familiar ang number na ‘to. Kay Ian to e.
`Hi Anica. May oras ka ba? Gusto sana kitang
makausap. . . please. . .`
Ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Actually,
hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. . . God, please help me. . .
Nag-reply naman ako ng `sige. Same place`.
Alam na namin kung saan yun. Walang iba kundi
sa rooftop.
***
“Kanina pa kita hinihintay. . .” sabi niya
sakin. Nag-ipon pa kasi ako ng maraming lakas ng loob makaharap ko lang siya
nang ganito.
“Bakit? Anong kailangan nating pag-usapan?”
“Anica. . . Can we start over?”
Ano ba ang dapat kong isagot?
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Now’s the time
to decide. . . sino ba talaga ang pipiliin ko?
Si Ian o si Jeremy?
Sino ba talaga?
I wanna be last, yeah,
Baby, let me be your,
Let me be your last first kiss
Nagulat ako sa phone ko at sinagot ko yung
tawag. . .
***
[Jeremy’s POV]
Kausap ko si Grandpaps sa telepono.
Napagisipan ko na rin naman ang lahat e. . . ayoko na ring maging sagabal sa
kasiyahan ni Anica. . . alam ko naman na nahihirapan na siya e. . . kaya ako na
ang gagawa ng paraan para tuluyan na siyang sumaya. . .
“Iho, sigurado ka ba dyan?”
“Opo, grandpaps. I want to call off our
engagement. I don’t want any connections with her anymore. . . siguro friends
na lang po. . .” yun ang sinabi ko.
The thought of being away from her breaks my
heart into pieces. . . sobrang sakit pala.
“Bakit iho? Pwede mo bang sabihin sakin ang
dahilan?”
“Grandpaps, she loves somebody else. Si Ian po
ang mahal niya. . .”
“Ian Tiburcio?”
“Yes, grandpaps. . .”
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Actually, ang company niya ay partner din ng
company namin. Siya ang isa naming option para sa magiging groom ni Anica. . .”
Seriously? Bakit hindi na lang sila ang
i-engage? At teka, bakit naman sila pa ang pipili ng groom ni Anica? Hindi ba
pwede na si Anica na lang ang pumili?
“Kung siya pala. . . e di pwede niyo po silang
i-engage at siguro wala naman na pong problema. . .”
Narinig kong tumawa si Grandpaps. Nako,
nababaliw na naman ang matanda na ito.
“Ganun ba. . . pwede kong kausapin si Anica
tungkol dito. . . pero kung ie-engage sila, may pabor ako sayo. . .”
“Anything, grandpaps. Ano yun?”
“Ikaw ang magiging photographer nila. . .”
***
[Anica’s POV]
“Grandpaps? Bakit po?”
“Anica, iha, Jeremy just cancelled her
engagement with you. . .”
Teka, seryoso?
Hindi ako makapagsalita nang sinabi sakin ni
grandpaps ang balita. Si Jeremy? Cinancel niya ang engagement. . .
“And pumayag siya na i-engage ka kay Mr. Ian
Tiburcio. . .”
No. . .
Bakit niya cinancel ang engagement kung kelan
willing na ako na piliin siya instead of Ian?
No comments:
Post a Comment