Wednesday, May 8, 2013

Chapter Twenty Two


[Anica’s POV]
Nanghihina ako nang pumasok ako sa dating kwarto ni Jeremy. . . wala na yung mga gamit niya. . . ang bilis naman. . . hindi ko man lang siya nakausap ng personal. . .
Bumaba na lang ako salas at napahiga na lang sa sofa. . .
Naalala ko yung mga times na nandito lang kami sa sofa. God, namimiss ko na siya agad. And the house is so empty without him. . .
Hindi ko man lang nasabi sa kanya yung nararamdaman ko.
I love you, Jeremy. Saranghae.
Break namin ngayon, at walang practice. Napagpasyahan na magpahinga na lang ang buong cast para ready na talaga bukas. Bukas na kasi ang Final Performance namin. Bukas na din ba ang final naming pagkikita ni Jeremy?
Three months na pala ang nakalipas. Hindi ko akalain na ganito lang kabilis yun.
***
“WHAT?! ASAN SI LEE?!”
“May sakit si Lee! Anong gagawin natin?”
“Hindi pwedeng wala si Tristan! Duh? Siya ang lead character, diba?”
One hour na lang at magsisimula na ang performance namin at ngayon lang namin nalaman na nagkaroon ng chicken pox si Lee. Siya pa naman si Tristan sa play na ‘to. Wrong timing. . .
Nagkatinginan kami bigla ni Jeremy. . . parang may sinasabi yung mga mata niya. . .
“How am I suppose to find a Tristan within one hour?! Pinapatay niyo ba ako?!” nagpa-panic na yung stage director namin.
Teka. . . si Jeremy. . .
Gusto ko sanang i-suggest na si Jeremy ang mag-portray kay Tristan. Siya naman ang kasama kong magpractice ng mga lines at na-memorize niya na nga ang mga lines ni Tristan pero. . . ang awkward. . .
“Ako na lang magiging si Tristan. . .”
Nagulat ako nang sabihin ni Jeremy yun. . . I can’t believe this.
“Sigurado ka ba, Jeremy?”
Lahat nagbubulungan na at kinakabahan sa kahahantungan ng play namin. . . please, sayang naman ang pinundar namin para sa performance na ‘to. . .
“Oo, memorize ko naman ang lines ni Tristan. . . and nakapag-practice na rin kami ni. . .”
Lahat nagtinginan sakin. God, this is so awkward.
“ni Anica?”
“Yes, nag-practice na kami. . . dati. . .”
“Okay, okay. O, ayusan niyo na ‘to si Jeremy!”
Parang akong kinabahan. Hindi dahil sa magpe-perform kami sa maraming tao kundi ito na ang huling pag-uusap namin ni Jeremy. Bilang si Tristan at Isolde nga lang. . .
***
[Jeremy’s POV]
Hindi ko akalaing ako pa talaga ang nag-volunteer na last minute back up para kay Lee. Oo, memorize ko naman talaga lahat ng lines ni Tristan. . . pero kahit na, diba? Iba pa in pag nag-rehearse ka. Nako, bahala na talaga si batman. . . ang importante magamit ko na oportunidad ang play na ito.
“Jeremy. . . Act 1 na. . . let’s go!”
At nagsimula na nga kami sa play. . .
***
Uminom ako ng tubig. Nakausap ko na ulit si Anica. . . or let’s say si Isolde. Sobrang nakakakaba. Feeling ko nga siya lang yung audience e. Pero masaya ako kasi nagkatinginan pa kami at nagkahawak ng kamay. Ito na nga ba talaga ang huli?
Act 2 na. Mostly halos lahat ng scenes ay kaming dalawa lang ni Anica. . .
“Isolde. . . my love. . .”
Biglang pumulupot sakin si Anica at yinakap niya ako ng sobrang higpit. . . parang totoo. . .
“I missed you, my love. . .”
Teka? Wala ‘to sa script ah? Iba ang sasabihin ni Isolde sa part na ‘to. . .  takte, messed up na. Hindi ko alam ang back up plan nila. Nakita kong sumesenyas yung staff sakin na makisakay na lang daw ako sa trip ni Anica. . .
So here goes nothing. . .
“Me too, my lady. I was just thinking about you. . .”
“I am so happy to see you, Tristan” I hugged her from her back. “I wish we could stay like this forever. I don’t want to be married to that old man. . .”
Teka. . . alam kong may connection sa story pero mamaya pa dapat ang line na ito e! May sinasabi ka ba sakin Anica?
“So, please, Isolde, run away with me. . . And I promise to protect you. I will never make you cry. And I will love you. . . just the way you are. . .”
Niyakap niya pa ako ulit at napansin ko na umiiyak na siya.
“I love you, Tristan. You don’t know how much I love you. . . And I can’t take it anymore if I have to live without you. . . so please, never leave me or I might as well die. . .”
“Don’t say that, my lady. . . I might as well die for you. . . I love you, with all my life. . .”
Lumapit ako sa tenga niya at binulong ko ang pangalan na sana’y siya lang ang nakarinig.
“. . . Anica. . .”

No comments:

Post a Comment