[Jeremy’s POV]
Kakatapos lang ng
Practical Exams namin. Nako, buti na lang. Mababawasan na rin kahit papaano ang
mga dapat kong gawin. Kumbaga yung play na lang.
Patuloy pa rin ang
pag-practice. Nasa Act 2 na nga e, mukhang kina-career na talaga nila. Samantalang
kaming mga propsmen ay walang ginawa kundi magkwentuhan lang. May mga
naka-close na nga ako mula sa Ballet Dances Division. Si Gayle. Swerte ko nga
e, ang ganda din niya. Pero syempre, di ako nagtataksil kay Anica.
“Nako, kamusta naman
ang maging fiancé ni Anica?” tanong niya sakin habang pinipinturahan namin
parehas yung cardboard na barko na gagamitin para sa play.
“Ayun, sakit sa ulo.
Ang ingay lagi sa bahay. Tapos ang soundtrip, One Direction at KPOP, sino ba
namang matinong tao ang makakatiis dun?”
Napatawa naman siya
nun.
“Ay nako, ganyan
talaga si Anica! Buti nga medyo open siya sayo e. Masarap din yan kasama” sabi
niya.
“Oo, masarap din siya
kasama.”
“Naka-date mo na ba
siya?”
Napaisip naman ako
nun. Date bang maituturing yung pagtakas namin sa Engagement Party? Hindi naman
siguro.
Teka, bakit ko
cinoconsider ang makipagdate sa kanya? Medyo nagugustuhan ko na siya pero iba
naman ang gusto niya kaya malabong pumayag siya kung yayain ko man siya.
“Hindi pa, ano?”
“Paano mo nalaman?”
“Kasi kung oo, for
sure, maikwekwento niya na sa akin. Hindi pa kasi siya nadadala sa date nung
boyfrie—ay ex niya pala.”
What? Sila nun, diba?
Tapos di pa siya nadadala sa isang date.
“Siguro, nakain sila
sa mga fancy resto and stuff. Pero naboboringan lang siya. Actually, yung
lalaki lang naman yung masaya nun e”
Napatingin naman ako
nun kay Anica. Nagulat nga ako na nakatingin din siya sakin.
Tapos bigla niya akong
inirapan.
Aba, anong problema ng
babaeng ‘to?
“Ay nako, kilala ko
yan si Anica. Layo muna ako sayo, ha? Dun muna ako sa gilid magpe-paint.”
“Huh? Bakit?”
“Nagseselos na yan, o”
tapos lumipat na siya ng pwesto.
Napatingin ako ulit
kay Anica pero busy na siya kaka-practice. Teka, nagseselos ba talaga ang
babaeng ‘to?
***
Nagka-yayaan ang buong
Staff at Cast na kumain muna dun sa Steakhouse. Bonding na rin. At reward sa
mga accomplishments namin sa third week ng aming practice. Katabi ko nun si
Gayle. Hindi ko nga alam kung bakit e. Nagkataon lang talaga na nagkatabi kami.
At nasa kabilang dulo ng mahabang table si Anica. Teka, kanina niya pa ako
hindi pinapansin ah.
“Try mo ‘to, Jeremy!”
sabi sakin ni Gayle habang binigay niya sakin yung isang kind ng pagkaen na di
ko maintindihan.
Tinikman ko naman ito.
Ayos. Masarap.
“Ang sarap, diba?”
“Oo nga, Penge pa nga
ako!”
***
[Anica’s POV]
Ugh. Bad Vibes talaga
ang araw na ‘to. Di ko naman akalain na magiging sobrang magka-close ni Gayle
at Jeremy. Hindi na nga ako napapansin ni Jeremy e. Nakakairita! Lalo na ngayon
dito sa steakhouse. Sila pa talaga yung magkatabi at napalayo talaga ako sa
kanila.
Nagshe-share pa sila
ng pagkain and everything. Gusto ko na talaga umuwi!
***
“Bye, guys! Next week
na lang ulit ang practice, okay?! Thanks sa lahat ng efforts niyo.”
Nagkahiwa-hiwalay na
din kaming lahat. Syempre, magkasabay kami ni Jeremy na naglakad lang umuwi.
Malapit lang naman kasi. Di ko pa din siya pinapansin. Nakakainis kasi. Ang
landi niya. Harot. Haliparot. Flirt. Jerk!
“Kanina ka pa di
namamansin ah? May topak ka?”
“Whatever.”
Tama lang yan.
Susungitan ko talaga siya. Nagkaroon ulit ng Awkward Silence. Nung nasa harapan
na kami ng gate ng bahay namin, sumabog na talaga ako.
“Di mo man lang
tatanungin kung bakit?!”
“Huh? Required ba?!”
“God! You’re
unbelievable!”
“Akala ko kasi di ka
pa ready pagusapan”
“Alam mo, bahala ka na
talaga!”
Pumasok ako kaagad sa
bahay at padabog na umupo dun sa sofa. Umupo naman siya sa tabi ko.
Hindi ko alam kung
bakit pero naiinis na ako sa presensiya niya. Lalo na pag naalala ko yung
panlalandi niya kay Gayle! Ang harot talaga.
“Okay, tatanungin ko
na po. Bakit?”
“Kasi ang flirt mo,
alam mo yun?”
“Huh? Ako? Flirt?
Kanino?” nako. Maang-maangan pa!
“Of course, kay Gayle!
Duh?”
“Di ako
nakikipag-flirt sa kanya. May pinaguusapan lang talaga kami, no!”
“At ano naman yun?!”
“Secret!”
“See? Buti kayo may
secret. Tapos tayo wala?”
I know I sound childish. Pero totoo naman e. Mas una ko namang nakilala
si Jeremy kesa kay Gayle pero bakit sobrang close nila? Ako ang fiancé dito!
“Paano ko sayo sasabihin yung secret kung tungkol sayo?”
What? Tungkol sakin?
“Ha-ha? Anong tungkol sakin?”
“Well, gusto sana kitang yayain sa isang—“
Matagal pa bago niya nadugtungan yung sentence niya.
“Date?”
What? Date?
“Absolutely!”
Shit! Nasabi ko yun? Ang atat ko naman ata!
“No, I mean, if you really insist, e di okay. Ano bang magagawa ko kung
gustong-gusto mo talaga, diba?”
God, nakakahiya ako.
“Sige. Bukas, be ready.”
Tumango na lang ako.
“Akyat na ako. Goodnight.”
Tapos tumaas na siya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? First time talaga ‘to.
Kahit si Ian, hindi niya ako niyaya ng ganito sa isang date.
And he did. Jeremy did.
No comments:
Post a Comment