Tuesday, April 23, 2013

Chapter Seven


[Jeremy’s POV]
“I wanna be last, yeah,
Baby, let me be your last,
Your last first kiss.”

Hindi ko alam kung ano ang dumapo sa utak ko at bigla akong naglakas loob na kumanta dito. Nakakahiya ren e. Tas ang bading pa ng napunta saking kanta. Buti na lang madalas ko siyang naririnig na pinapatugtog ng mga One Direction fans na kaklase ko.

“Oh my God, Jeremy! Di ko akalain na maganda ang boses mo! And favorite song ko yan! I love One Direction so much! Gusto mo rin ba sila?” Potek. Malas naman o. Mahilig pala to dun sa banda na ayaw ko pa.

“Ha? Nagkataon lang yan. Hala, mahilig ka din pala sa mga bading na yon!” nagulat ako kasi bigla niya akong hinampas. “Wow ha? Makahampas ‘to! Close tayo, te?”

“Tse! Hindi sila bading! Alam mo nakakabadtrip ka! I so hate you!” wow. The power of fan girls. Nagiging Amazona sila kapag nalalait ang mga grupong gusto nila. Scary.

“Oo na, oo na! Wag ka ngang maingay! Pinagtitinginan tayo oh!” ang tinis pa ng boses. Nakakairita. Hindi ko akalaing may fiancé ako na ganito.

“Tse! Ako nga! Give me a token. I’ll sing!”

“O, ito oh. Baka umulan ha?”

“I hate you to death!”

Then, pumunta siya dun sa operator at bumulong. Ano kaya ang kakantahin ng babaeng ‘to?

“Okay, here I go! Magdusa ka, Jeremy Shin!” nako, nakakahiya talaga tong babae ‘tong oh.

Tumugtog na yung intro ang she started singing.

"Girl I see it in your eyes you're disappointed
'Cause I'm the foolish one that you anointed with your heart
I tore it apart"

***

“WHAT THE HELL?! Anong klaseng pagkanta yun? Kanta ba yun o sumigaw ka lang? Kala ko may kinakatay na baboy kanina e! Takte!” tapos hinampas niya na naman ako.

“Ang mean mo sakin! Well, I love singing. Di lang talaga ako gusto ng singin. Ugh, I hate you”

“Kasi naman! Wala ka man lang tinama na tono! Sintunado level 1 million ka e!”

“Tse! Ang sama mo!”

[Anica’s POV]

Alam ko naman na wala talaga akong talent sa pagkanta, ugh, di ko din alam kung bakit ba ako biglang naglakas loob kumanta. Dami pa namang nanonood. Nakakahiya! Pero okay lang, new experience din.

“Nako! Sagwa talaga ng boses mo e! Sorry ha, maganda ka sana e! Kaso waley!” biglang tawa niya.

“Ugh, I hate you so much!”

“Babawiin mo din yan.”

Ha? Babawiin ko din? What does he mean about that?

“Shet, ang slow. Dami mong utang sakin ha. Bayaran mo!”

“Whatever, idiot!”

Nagulat naman ako nang biglang umuulan. What the hell, worst day ever.

“O, kitamo, umulan dahil sayo e! Kasalanan mo ‘to!”

“Hoy di kaya! Ughhh!”

Wala kaming payong parehas kaya naman basang-basa kami parehos. Nilagay niya sa ulo ko yung white suit niya.

“Patay ako kay grandpaps, 30,000 pa man din ‘to!”

“Whatever. Umuwi na lang tayo”

Pumara kami ng taxi and nagpadala na kami dun sa bahay ko. Mukhang samin makikitulog ulit si Jeremy.

Te-teka, what the hell?

“Jeremy, how dare you?! Bakit ka nakatulog sa taxi?!” Effin!

Tapos nakasandal pa yung ulo niya sakin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko e.

Kung movie lang ‘to, napaka-dumbass ng movie na yun. Diba mdalas sa mga movies, ang nakakatulog sa taxi ay ang mga babae? Then, bubuhatin siya nung guy or something like that. So, anong ine-expect sakin?! Ako ang magbubuhat kay Jeremy? Heck, no!

“Ugh, what an idiot” I sighed.

After 30 minutes, nasa tapat na rin kami ng bahay namin. Kinuha ko mula sa pocket niya yung pambayad niya and ginising ko na siya.

“Hey idiot! Wake up!”

“Ay, andito na pala tayo?” umayos siya nun ng upo at lumabas na din siya ng taxi.

“Hay nako! Ang gentleman mo talaga, ano? Ikaw pa talaga ang nakatulog sa taxi ah?”

“Bakit? Napagod kasi ako. Wag ka nang maingay, inaantok na ako e” Hmf!

“Alam mo, nakakainis ka talaga e! I hate you so much!”

“Kow, babawiin mo din yan” Di ko talaga ma-gets yun e.

Binuksan niya yung gate, na sa kanya yung susi e. Pumasok kami sa living room and binuksan namin yung ilaw.

“And where have you been, youngsters?”

Shit, nakalimutan ko. Si Grandpaps pala!
***

[Jeremy’s POV]

“Naks, pre, di ko akalaing fiancé mo pala si Anica! Tapos binebenta mo pa yung pictures niyan. Ibig sabihin ba niyan, mas close up ang mga pictures mo?” nako. Ito na namang tatlong suki ko, andito.

“Hindi na. Hindi na ako magbebenta ng mga pictures ngayon. Sarado na ang business ko” sabi ko.

“Pre, corny mo na! Ano ba yan?! Sabihin mo lang ang presyo! Kahit photos lang nina Sasha, sige na o!” sabi naman ni Lance.

“Wala na talaga ‘tol. Sorry na. Studies first” walang konek yung sinabi ko pero mukhang natanggap naman nila. Liit ng utak, takte.

“Nako, sige na nga pre”

Umayos naman na kami ng pagkakaupo nun lahat dahil yung Block Representative namin ay pumunta na sa harapan. Siguro idi-discuss na ang presentation ng Department namin sa Foundation Week ng University.

“Okay, nagkaroon na kami ng meeting kanina with other divisions. And ang nabunot ko na partner ng Photography Division ay ang Ballet Dances Division.”

What? So, makakatrabaho ko pa pala dito si Anica. Naku po, riot to. As much as possible nga, nilalayuan ko siya dito sa university. Mukhang pinagchichismisan na din kasi ako. Alam ko namang gwapo ako pero wag naman ganito.

“And ang na-assign satin ay isang play. Andito din pala ang Block representative ng Ballet Dances Division. Si Anica. Siya na ang mage-explain”

Nagkaroon ng maraming bulungan. Nagkatinginan kami pero inirapan niya lang ako. Aba, sunget nito ah.

“Well, hi Photography division students. So, I’m Anica. Ang na-assign satin sa Foundation Week ay gumawa ng isang Play”

“What? Ang malas naman natin. Satin pa napunta yung pinakamatrabaho!”

“Sana booth na lang. Maid Cafés na lang or Game Stations”

“Nako, nakakatamad naman yan”

Maraming tutol talaga sa play. Kahit ako din naman, nakakatamad kaya yun. Lagi pang may practice. Super nakakatamad.

“Sorry guys, kasi daw gusto nilang makitaan tayo ng maayos na play. Syempre, nakapili na din kami ng Script. Tristan+Isolde ang title. Next meeting na lang natin pag-usapan yung Cast and Staff, okay? We’re given three months para dito. So, galingan natin, okay?”

“Sige na nga”

***

“Let’s go home, Jeremy” ha? Nagulat naman ako dito kay Anica.

Parang kabute. Bigla-bigla na lang nasulpot. Parang inaabangan pa atang matapos ang klase ko.

“Go home? Magkaiba tayo ng way. Tsaka mauna ka na, kakain pa ako”

Porket fiancé ko na, kailangan sabay ko na siyang umuwi?

“Huh? Nakalimutan mo na ba? Titira na tayo sa iisang bahay!”

Ah, oo nga pal—

Teka, anong sabi niya?

No comments:

Post a Comment