[Jeremy’s POV]
“Mr. Jeremy, ano po
ang masasabi niyo sa biglaang engagement na ito?”
“Paano niyo po
ima-manage ang manufacturing company?”
“Ano na po ang plano
niyo?”
Hindi ko pa nasasagot
ang mga naunang tanong, may mga tanong pa na mga dumagdag. Ang sakit sa ulo
nito. Mas mahirap pa sa Math Test ko e.
Dahil nahalata naman
ng spokesperson ng mga Consejo na hindi ko kaya sumagot ng mga tanong, sila na
ang sumasalo sakin.
“We are here to launch
the official engagement of Ms. Anica Sharmaine Consejo and Mr. Jeremy Shin De
Luna to symbolize the partnership and friendship of the Consejo Fashion
Designers and De Luna Manufacturing Company. Questions will be entertained
later after the program”
Wew. Sa wakas, may
panahon na ako para huminga. Ayun, magkatabi lang kami ni Anica sa isang long
table. Tinitingnan ko siya, pero mukhang kalmado lang naman siya.
“What? Stop staring.”
Nagulat naman ako dun sa sinabi niya.
“Sorry naman.
Kinakabahan na kasi ako e. Pakiramdam ko maiihi na ako dito sa upuan ko.”
Then, she chuckled.
Wow ha. May side pala
na ganito si Anica. Akala ko kasi di siya tatawa dun sa joke ko. Yung tipong
akala ko sobrang seryoso niya lang. Akala ko kasi boring siyang tao.
“Stop that. Nakakadiri
ka” pero tuloy naman siya sa pagpipigil ng tawa niya.
Ganun ba talaga
nakakatawa yun? Ngayon lang ata to nakarinig ng maayos na joke e.
Matagal yung program.
Kung sino-sino pa kasi yung nagbigay ng speech. Aamagin na ata ako dito sa
ka-boringan e. Tapos yung pagkain e paunti-unti ang pagse-serve. E sobrang
gutom na ako.
“God, it’s so boring.
Ayoko talaga ng mga ganito e. Tingnan mo yung food, ang onti.”
“Wow? Di ka sanay
dito? Kung pwede lang tumakas, ginawa ko na e”
“Pwede naman e. I do
it all the time.”
Nagkatinginan kami nun
at first time naming nagkaintindihan at nagkasundo.
***
[Anica’s POV]
Yes! Nakatakas na din
sa wakas. Well, Jeremy is quite a good partner in crime. Pero syempre, hindi ko
pa rin siya napapatawad sa pagkuha ng mga pictures ko. Kahit na wala naman
talagang nakita sa’king private parts, ugh, invading my privacy pa din.
“Expert ka pala dun” sabi
niya habang tinatanggal niya yung white coat niya. Ni-loosen up niya yung polo
niya.
Actually, ngayon lang
ako nakakilala ng katulad niya. Well, the sense of humor and everything else.
Sino lang naman ba
kasi ang nagtangkang kumausap sakin? Iilan lamang. Si Ian at Gayle lang. Well,
ngayon dagdag na si Jeremy sa listahan ng mga kumakausap sakin. Bakit kasi
hindi na lang ako maging normal na babae tulad ng iba?
“Yes, of course. Ang
totoo naman niyan, ayaw ko talaga ng mga ganyang kasosyalan. Ugh, boring kaya”
well, that’s true.
Oo, galing ako sa
isang prestigious family pero di ko talaga hilig ang mga sosyal na bagay.
Parang nakakaumay kasi. Kapag nakikita ko nga yung iba na normal yung ginagawa,
parang ako pa yung naiinggit ko sa kanila e.
*ERG ERG*
Effin! Not now!
“Teka, tiyan mo yun
no?” God, ilayo niyo ako sa kanya please.
“Of course, not!
Ba-baka tiyan mo yun”
“Nako, nahiya ka pa.
Tara na nga kumaen tayo.” Nakakaloko pa yung ngiti niya. Alam ko naman na deep
inside e pinagtatawanan niya na ako.
Naglakad siya papalayo
pero ako nakatayo lang dun. Nakakahiya mang aminin pero. . .
“Sorry, I can’t. I was
not able to bring my purse with me.” Wala akong pera, God. First time to.
“E di utang muna. Tara
na. Tomguts na rin ako e” lumapit siya sakin tapos tinulak niya ako para
maglakad. Ang gentleman-ish niya ha? Sarcastic yan.
“Tomguts? What’s
tomguts?”
“Ha ha ha! Sosyal mo
talaga. Gutom lang yan!” then he laughed.
***
First time kong kumain
sa Fastfood kasama ang isang friend. Teka, friend ko ba ‘to? Friends na ba
talaga kami? Well, whatever. Kahit kami ni Gayle, kumakain kami sa mga pasosyal
na kainan. Lalo naman si Ian. Nakakapag-fast food lang ako kapag kasama ko si
Grandpaps e.
“Mas masarap talaga
ang spaghetti sa Jollibee, ano?” I said.
“Hmm. . . mas masarap
naman ang fries sa Mcdonalds e” Well, whatever.
“Teka, diba engaged
lang naman tayo. Di naman tayo magpapakasal diba?”
Sasagutin ko sana siya
kaso biglang lumabas yung mascot ni Jollibee at biglang nag-break dancing dun
sa gitna. Kakausapin ko sana ulit siya kaso mukha na-caught na ni Jollibee ang
attention niya. Oh well, mamaya ko na lang siguro sasagutin.
After namin
mag-fastfood, naglakad-lakad muna kami.
“Na-try mo na ‘to?”
Nagulat ako dun sa
tinuro niya. Isang photo booth. Umiling ako, well it’s true, hindi ko pa naman
talaga nata-try ang photo booth na ito.
“Okay, let’s go. Fiancé naman na kita e” nagulat ako dun sa sinabi
niya.
“Yeah. Yeah, sure”
Bumili siya ng tokens then pinasok niya dun sa something sa photo
booth.
Mabilis lang pala ang transition ng pictures. Six shots lang. First
shot, naka-smile lang kami parehas.
Second shot, naka-peace sign na siya samantalang ako, ayun, formal pa
rin. Medyo nahihiya kasi ako e.
Sa third shot, tinaas niya ang kamay ko kaya napilitan na rin akong
nag-peace sign.
Sa fourth shot, nilagyan niya ako ng sungay kaya naman tinakpan ko yung
mukha ko. Ugh, nakakainis siya ha.
Sa fifth shot, nag-belat lang ako tapos siya ay nakatingin sakin. Ang
weird e.
Sa sixth shot naman, sabay kaming nag-wacky.
***
“Takte! Mukha kang natatae dito sa pang-lima!” sabay tawa niya ng
sobrang lakad.
“How dare you?! Ang sagwa mo nga dito sa third shot. God, so gay!”
“Wusus. Gwapo ko nga dyan e”
Kokontrahin ko pa sana yung sinabi niya kaso bigla niya akong hinila
papasok sa isang establishment. Tapos nagulat na lang ako kasi may stage tapos
pumunta siya dun. Para siyang public Karaoke. What the hell? Wag mong sabihing
kakanta siya harap ng maraming tao? Nakakahiya ha?
“Wow, anong song gusto mo kuya?” tanong nung operator sa kanya.
“Kahit ano! Basta yung medyo sikat!”
Then, random na lang ang pagpili nung operator. Tapos tumunog na yung
intro. Teka, familiar to sakin ah?
“Baby, I, I wanna know
What you think When you're alone.
Is it me? Yeah.
Are you thinking of me? Yeah, oh.”
I know this song.
“We've been friends Now for a while.
Wanna know that when you smile.”
Last First Kiss. . .
No comments:
Post a Comment