Monday, April 22, 2013

Chapter Five


[Jeremy’s POV]

Naikwento na sa akin ni Grandpaps lahat.

Nung una pala, si papa ay ang may-ari ng manufacturer company ng fashion designer clothes ng mga Consejo. Napagpasyahan nila na i-engage ang magiging sunod na heirs ng kompanya para mas magtibay ang partnership ties. Magkasama sila sa barko na yun para sa isang press conference sa pag-launch ng official engagement kahit na bata pa lamang kami ni Anica nun. Pero sa kasamaang palad, namatay si papa nang iligtas niya si Grandpaps at si Anica.

Nagkatinginan kami ni Anica nun. As if naalala namin ang mga nangyari sa gabing iyon.

“Ngayon, naalala niyo na ba?” tanong ni Grandpaps.

[Anica’s POV]

“Yeah, he’s the little boy who protected me back then.” Sabi ko. Siya nga yung batang yun.

He protected me not just once, but twice, Grandpaps. Hindi ko lang talaga masabi.

“Pero, bakit kailangan pa namin magpakasal ni Anica? E, wala naman na ang manufacturing company ni papa?” tanong ni Jeremy. Well, ngayon ko lang nalaman na Jeremy pala ang name niya. Ugh, naalala ko tuloy yung call ko sa kanya. Nakakahiya pala.

“Yan ang akala mo, Jeremy. Dahil niligtas ako ng papa mo nung gabing yon, sinalba ko ang kompanya niya. And fate brought you here. Siguro ito nga talaga ang gusto ng tadhana. Ang i-engage ka sa apo kong si Anica.” Sabi ni Grandpaps.

Ugh, sa totoo lang, tutol ako sa engagement na ‘to. First of all, kakakilala ko lang sa Jeremy na yan. And duh? Siya lang naman yung nag-take ng pictures ko na naliligo. Like what the hell? Bakit ko papakasalan ang isang katulad niya? And second, I love someone else. Di lang talaga namin maiayos ang lahat. Siguro, hindi pa time.

“Sigurado na po ba ito? Pwede pa ba akong umatras? Bata pa po kami—“

“Oo, pwede kang umatras, syempre. Pero sana pwede kitang paliwanagan. Ikaw ang heir ng kompanya na pinagpaguran ng daddy mo, tandaan mo yan. Alam kong nag-aaral pa lang kayo kaya plinano ko na engaged muna kayo at titira sa iisang bubong para mas makilala niyo ang isa’t-isa”

I know this sounds like a koreanovela-thingy, pero God, di ko akalaing pwede pala ‘tong mangyari. Yung tipong titira sa isang bahay and stuff.

“Ano po? Sa iisang bahay?”

“Yes, iho. Tatlong buwan lang naman iyon magtatagal. Then, after that, kayo na ang magde-decide kung itutuloy niyo pa sa marriage”

Kaya ako kampante sa bagay na ito e. Alam ko kasi na pagkatapos ng three months, walang mangyayari sa amin and we’ll just part ways. As if naman na gugustuhin kong mapakasalan siya.

“Okay. Buti naman. Siguro naman secret lang po ang engagement na ito, diba?”

“Are you an idiot or what? Syempre, publicize ang engagement natin. Big companies ang pinaguusapan natin dito, okay?” mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

“Tama si Anica, iho. Magkakaron kayo ng public engagement party next week, so maghanda handa ka na. Alam kong excited ka na”

Excited? More like constipated.

“Next week na? Agad agad?”

***

[Jeremy’s POV]

Grabe. What a long day. Feeling ko panaginip lang ang lahat. Ako? Na isang di hamak na gwapong photographer lamang ay ikakasal sa isang simpleng babae? Parang baligtad ata yun ah. Deh, bahala na.
Pinatulog muna ako sa kwarto na katabi lang ng kwarto ni Anica. Naalala ko na ito yung puro double decks, pero mukhang binago na nila.

Masyado akong maraming nalaman. Mayaman pala ang pamilya ko noon?

Siguro hindi naman mali na pumayag na rin ako sa three months na yun. Baka sakaling ipamana pa din sakin ni Grandpaps ang manufacturing company kahit na hindi ko pakasalan si Anica. Tsaka, may mahal na iba si Anica.Ang problema lang, hayop yung mahal niya.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Bubuksan ko sana kaso yung pintuan pero natigilan ako nang may papel na lumabas sa baba ng pinto.

Don’t open the door, you idiot.

Ay, si Anica pala. Wala naman akong ginawa. Baka mamaya kainin pa ako nun e.

Maya-maya ay may papel ulit na lumabas sa baba ng pinto.

Thanks for saving me.

At isa pang papel.

Again.

Napangiti naman ako nun. Aba, nagpapasalamat pala si Anica Consejo, ha?

At may isa pang papel.

Don’t get me wrong, idiot. Have a good night, Jeremy.

Parang tumigil yung mundo ko. Hindi dahil dun sa ‘good night’ niya. Pero dahil first time niya akong tawagin sa pangalan ko.

***

[Jeremy’s POV]

Ganito pala magsuot ng white suit na 30,000 pesos. Grabe e, ang patok din pala ng mga designs ng Consejo. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o ano e. Pero wala na akong magagawa e, ito na ako.

“Sir De Luna, standby na po tayo. 60 seconds na lang matatapos na ang break”

“Sige”

50. . .49. . .48. . .47. . .

Ngayon ko lang napansin na matagal din pala ang 60 seconds.

24. . .23. . .22. . .21. . .

Hinga-hinga din pag may time. Lumapit na ako dun sa pintuan.

5. . .4. . .3. . .2. . .

Binuksan ko ang pintuan at sinalubong ako ng photographers. Dati ako ang kumuha ng litrato. Ngayon naman, ako na ang kinukuhaan.

Mag-iiba na talaga ang buhay mo mula ngayon, Jeremy Shin De Luna.

No comments:

Post a Comment