[Jeremy’s POV]
I won’t mess this up. I promise.
Dating gawi, pinauna ko siya sa park ng 4 PM dahil may hiwalay na
meeting ang mga propsmen. Nako, propsmen na nga lang may meeting pa no? Pero
ngayon, on time na talaga ako.
May binili akong bagong bouquet ng Red Roses at isa pa ulit na Teddy
Bear pero ngayon sinamahan ko na rin ng Chocolates. Naglakad na ako papunta dun
sa bench kung saan kami tumambay dati. Pawis na pawis na ako at kinakabahan
talaga. Paano kung di niya magustuhan yung Teddy bear na ‘to? O baka mamaya,
expired na yung chocolate. Takte, wew, buti na lang hindi pa expired kundi
lagot ako.
Mas nauna siya sakin. Halatang excited ah. Naka-dress siya na hanggang
tuhod. Floral pa. Sobrang ganda niya. Nakaka-in love. Chos! Takte, nakakabading
pala.
“He-hey, matagal ka bang naghintay?”
“Hindi. . . mga one hour lang. . . “ ano daw? Tama ba yung pagkakarinig
ko?
“Ha-ha?”
“Joke lang. Tara na. Ano nang gagawen natin?”
Teka. . . parang na-mental block ata ako ah. Yung plano ko. Takte, yung
kodigo ko nawala!
“Uh. . . Tara, nood tayo ng movie. . .”
“Sure.”
Naglakad na kami papunta dun sa Movie House. At tumingin ng movies.
Teka. . . ang sagwa ata ng mga movies ngayon. Isang tungkol sa
superhero (hindi naman yun romantic). Isang romantic film pero sabi nila ang
pangit daw, di daw worth it ang bayad. Tapos isa namang tungkol sa Vampires
(mainstream, wag na). Tapos isa tungkol sa history ng Pilipinas (anak ng!)
“Hmm. . . mukhang walang maganda na movie ah. . .”
Palpak na naman ako.
“Oo nga e. Hmm. . . laro na lang tayo. Tara.”
Pumunta kami sa Arcades. Ang daming tao pero naglaro pa din kami. Hindi
nga lang masyado nasulit yung laro. Kinakantiyawan kasi kami ng ibang bata sa
likuran na sila naman daw. Nakakainis, gusto ko pa naman yung barilan.
“I had so much fun! Gusto kong magpaiyak ng bata. Nakakatuwa!”
Wow ha. Ang weird ng ‘fun’ niya.
“So, what do we do next?”
Ayun, nag-try ulit kami dun sa Photo Booth at Karaoke. Pero di na siya
kumanta, baka daw sumama pa ang panahon. Mahirap na. Then, napagpasyahan na rin
namin kumain. Dahil hindi ko naman afford ang masyadong mahal, sa isang
simpleng steakhouse lang kami kumain. Okay na rin. Di gaano ka-cheap at di rin
gaano ka-sosyal.
“Wow. First time ko sa steakhouse na ‘to!”
“Ahehe” ito lang kasi afford ng budget ko e.
Nagkwento siya ng kung anu-ano. Tungkol sa business ng family niya,
tungkol kay Gayle, tungkol sa kung gaano siya nahihirapan makahanap ng friends,
tungkol na rin ng kaunti kay Ian pero ang tumatak talaga sa isipan ko ay yung
sinabi niya.
“I’m so happy na nakilala kita, Jeremy. Ikaw lang ang capable na gawin
ang mga ganitong bagay sakin. Thanks talaga.” Tapos ngumiti siya.
Nakakagaan sa pakiramdam kapag alam mo na yung taong gusto mo ay
ngumingite nang dahil sayo.
Masaya pala.
“Hindi man lang tayo nakanood ng movie. Sayang. . .”
“Ay, alam ko na. Gusto mo mag-rent na lang tayo ng DVD?”
“Sure! First time ko yan”
Ang dami niyang first times ah. Masaya naman ako dahil ako ang first
niya. First kiss kaya? HAHA.
Pumunta kami sa isang parentahan ng DVD. Ayun, pumili siya ng mga
romantic comedy na films. Pagkatapos nun, syempre, ako nagbayad. Ang sakit sa
bulsa. Ganito pala ang isang tunay na date. Wew.
“So, tara, let’s watch this sa bahay.”
“Uh. . . sige”
***
So in the end, walang nasunod sa mga plano ko. Pero okay lang, as long
as masaya siya, masaya na din ako. Nanood kami nung movie na rinentahan niya.
Yung ‘Music and Lyrics”. Maganda at nakakatawa. Pero mas maganda kung kasama
mong manood ay yung taong gusto mo. Naks. Ang cheesy ko, nakakabading.
“Thanks, Jeremy.”
Nagulat na lang ako nang biglang sumandal siya sakin. So, ang ginawa ko
ay inakbayan ko siya. And I let her fall asleep in my arms.
“Sweet dreams, Anica.”
Then, nakita ko siyang ngumiti.
***
Economics Class namin. Ibig sabihin nun, Sir Ian na naman. Boring at
Leche, pinagsama.
“Mr. De Luna, may gusto sana akong itanong sayo.”
“Ano yun?”
“Mamaya sa office ko. Pumunta ka”
Tapos nagsimula na siyang magturo. Ano naman kayang itatanong niya
sakin?
No comments:
Post a Comment