Sunday, April 28, 2013

Chapter Twelve


[Jeremy’s POV]
“Anica, mamaya ah? Sa Park mo ako intayin ng 4PM, okay? Dun na lang kita susunduin” sabi ko. Paalis kasi ako.

“Bakit? San ka ba pupunta?”

“Sa bahay lang ni Gayle. Pinapaayos niya kasi yung Camera niya sa akin e”

“Ha? Pwede namang ipaayos sa iba, bakit sayo pa?” nako, selosa talaga ‘tong babaeng ‘to ah.

“Nasabi ko kasi sa kanya na marunong ako. Sige na, kita na lang tayo mamaya.” Tapos umalis na ako.

Sa wakas, naglakas loob din akong ayain siya sa date. Excited na nga ako e, planado na din kasi yung mga gagawin namin mamaya.

Syempre, una maglalakad-lakad muna kami sa park. Pwede rin muna kaming maglaro dun sa Arcade. Tapos ililibre ko siya sa dinner, sana nga mura lang kunin niya. Sa kanya ko din pala magagastos yung nakuha ko mula sa pictures niya noon! Tapos pwede kaming manood ng movie pagkatapos. At uuwi na kami. Ayos din para sa isang first date, diba? Kahit medyo typical.

Hindi lang rin naman yung aayusin na Camera ang pupuntahan ko kay Gayle e. Gusto ko din malaman ang opinion niya kasi plano ko sanang magdala ng flowers o di kaya regalo para kay Anica. Wala kasi talaga akong idea kung ano ibibigay sa kanya e.

At least may two hours pa naman bago mag-4 PM, meron pa akong oras para paghandaan yung surprise ko sa kanya.

***

“Shocks, ang galing mo nga! Naayos mo nga!”
“Sabi ko sayo magaling ako dyan!”
“Thanks!”
Sa wakas, mabilis ko lang naman naiayos yung Camera. Ilang tweaks lang naman ang kailangan e. Well, expert.
“O, ito Gayle, ano kayang pwedeng regalo kay Anica?”
“Wow, naghahanda ah. Teka, let me think. Hmmm. . .”
Nasa living room niya ako nun. Mabait yung parents niya, pinakain pa nga ako ng Grahams e.
“Siguro Teddy Bear? Medyo gawin mong typical. Kasi naman, iba ang mga regalo sa kanya nung ex niya. Puro libro or CDs na tungkol sa Ballet lang. E hindi naman niya gusto yun.”
“Sa tingin mo magugustuhan niya ang Roses?”
“Oo, magugustuhan niya yun. Yung ex niya kasi hindi pa siya nabibigyan ng flowers. Grabe nu?”
“Wow! Maraming salamat talaga!”
***
Paalis na sana ako ng bahay nina Gayle nang biglang may tumawag sa kanya.
“Hello babe? Hey, babe how’s it goi—Huh? Anong sinabi mo? Why all of a sudden? Teka ha, nababaliw ka na ba?! Ano na naman ba ginagawa mo?! Ang gago mo!”
Ano daw? Teka, anong nangyari kay Gayle?
Tapos na-realize ko na lang umiiyak na pala siya.
“Diretsuhin mo ako! Bakit?! Ah, so mas gusto mo siya?! Ganyanan, gago ka pala e! Sana hindi mo na lang ako syinota, diba?! Walangya ka! Sige, break na kung break! Bye!” tapos binaba niya yung phone niya.
“A-anong nangyare?”
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
“Jeremy, hindi ko kaya. Nakipaghiwalay siya sakin. Si Lance. . .”
Teka, syota pala ‘to ng suki ko na si Lance?
“Wag mo muna akong iwan, Jeremy. . .”
***
[Anica’s POV]
5 PM na. Kanina pa ako nagtetext kay Jeremy, pero wala pa din siya. Tinawagan ko na siya kaso out of coverage. Wala naman siya sa bahay nung umalis ako. Ugh.
Narinig ko ba ng tama yung sinabi niya kanina? Diba 4PM ang sabi niya. Pero bakit ganito? Wala pa din siya.
“Jeremy, where are you?”
Isang oras na akong naghihintay dito at wala ka pa rin.
Di ko na napigilan ang luha ko. Pinagpalit niya na ba talaga ako ng tuluyan kay Gayle? Oo, nagseselos ako. Alam ko naman yan e. Selfish ako at possesive sa mga dapat akin talaga. Akala ko kasi sakin lang siya sweet. Sa lahat din pala.
Malandi lang pala siya. . .
Napaiyak na talaga ako nun.
“Jeremy, pumunta ka na dito.”
Tiningnan ko yung phone ko at may nakita akong text ni Jeremy. Nakarating na ba siya?
“Sorry, can’t come. I’m so sorry. Please, umuwi ka na lang. Babawi ako next time. Sorry talaga. Kailangan lang ako ni Gayle ngayon. Sorry. . .”
Bakit?
Bakit si Gayle ang pinili mo?
Bakit hindi ako?
Kailangan din kita, Jeremy. Mas kailangan kita. . .

No comments:

Post a Comment