Tuesday, May 7, 2013

Chapter Seventeen


[Jeremy’s POV]
I can’t believe this. Hindi ko akalaing narinig niya yung mga pinagusapan namin ni Gayle. Ano na lang iisipin niya, diba? Na pati ako ay nag-traydor sa kanya. Sinundan ko siya at patuloy kong tinawag yung pangalan niya. Pero hindi niya ako nililingon. Sorry na, Anica. Sorry na. Gusto kitang protektahan pero palpak pa rin ako. Pumasok siya ng building at pumasok dun sa Lecture Room ng division nila.
Dahan-dahan akong pumasok dun. Nakita ko siya sa sulok. Iyak lang siya ng iyak. Ang sakit sa puso na makita mong umiiyak yung taong gusto mong laging nakangiti.
“Anica. . .”
Pero hindi niya ako pinansin at patuloy siyang umiyak. Lumapit ako sa kanya. Pakiramdam ko, pati ako naiiyak na rin. Parang hindi ko kasi kayang makita siya na naiyak.
“Bakit? Bakit ganyan kayo sakin? Wala na ba talaga akong kaibigan sa inyo?”
Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya. Anica, ako, totoo sayo.
“Anica, sorry. Wag ka na umiyak.”
Hindi ko alam kung bakit ako nagso-sorry pero para kasi sakin, gusto ko siyang protektahan. And I somewhat failed.
“Bakit hindi mo agad sinabi sakin na linoloko na pala ako ni Ian at Gayle?” patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
“Sorry. Hindi ko alam yung gagawin ko nung nalaman ko yun. Ayaw kitang makitang umiiyak. Hindi ko kaya na hindi ka masaya. So please, Anica. . . Tahan na. . .”
Sobrang tagal naming nagkatinginan nun.
“Sinabi ko sayo na proprotektahan kita lagi. Sorry if I failed you. Babawi ako sayo, so please, tahan na. . .”
Hindi na siya nakapagsalita.
Bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Medyo tumahan na rin siya sa pag-iyak nun.
“Sorry, Anica. . .”
***
Matagal rin kaming nag-stay dun sa lecture room. Walang nagsasalita. Naka-rest lang yung ulo niya sa shoulders ko. Dun ko lang na-realize na nakatulog na pala siya.
Ang ganda niya talaga.
Takte, Jeremy. In love ka na ba? Nakakatawa. Pero parang asa naman na magustuhan ka ng babaeng ‘to e. Impusible talaga e.
Nag-sigh ako nun. Narinig ko na nagkakaroon na ng Closing Night Party yung mga estudyante. Malapit na siguro mag-lights off at papapauntahin na ang mga estudyante sa respective rooms na pagtutulugan nila.
Ayaw ko naman na gising si Anica, so dahan-dahan ko na lang siyang pinasan sa likod ko. Yung piggy ride, ganyan.
Alam ko kais na yung klase niya ay dun sa airconditioned room sa third floor so, dinala ko na lang siya dun. Habang naglalakad ako, naramdaman kong hinigpitan ni Anica yung pagkakayakap niya sa leeg ko.
“Thanks, Jeremy.” Bulong niya sakin.
Napangiti ako ng bahagya dun. Iba talaga kapag sa kanya nanggagaling yung ‘Thanks’.
“Basta ikaw” sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na napangiti siya.
Nung nandun na kami sa harapan ng room nila, humiwalay na siya sakin. Then, ngumiti siya sa harap ko.
“Yan, wag ka nang umiyak, gusto ko lagi kang nakangiti.”
Tumango siya sakin then, bigla niya akong niyakap. Medyo matagal din yun pero humiwalay na din siya sakin.
“Good night.”
***
Lumipas ang ilang days. Naging busy ang mga tao sa exams at syempre, sa preparation para sa Foundation Week. Hindi na nagpapansinan si Gayle at si Anica. At ako din, nilayuan na rin ako ni Gayle.
Patuloy pa rin ang practice para dun sa Play. Pero sa di inaasahang pangyayare, pati ako napipilitan mag-practice. Well, sa bahay lang naman. Napaka-paranoid naman kasi ni Anica pagdating sa play na ‘to e. Masyadong kina-career.
“Jeremy, please, babasahin mo lang naman ‘tong lines ni Tristan eh? Tulungan mo lang ako sa pagpra-practice. . .”
“Ayoko, tinatamad ako!”
“Sige naman na, Jeremy! Tumayo ka na dyan!”
Hay nako. Ano pa bang magagawa ko? Tumayo na ako at hinawakan ko yung script.
“Oh, Isolde, please run away with me and I will serve you with my life” ang cheesy naman pala neto.
“With feelings naman, Jeremy!”
“Paano ba yung with feelings?”
She cleared her throat.
“Jeremy. . .” lumapit siya sakin tapos hinawakan niya yung mukha ko. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw. At parang hinihigop na ako ng lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Parang gusto ko siyang halikan pero. . .
“Ayan, ang with feelings, Jeremy. Naramdaman mo ba?”
Bigla siyang lumayo sakin.
Takte, sobrang pinagpawisan at kinabahan ako nun ah.
Yun pala ang with feelings? Nag-uumapaw ang feelings. . . ko. . . para sa kanya.
“Gets mo na?”
“Oo na! Oo na! Tutulungan na kita. Wag mo lang ulitin yun” baka kasi di ko kayanin at mahalikan na kita ng totoo dyan. Nako po, ingat ka sakin!
“Sus. Bakit? Kinikilig ka lang e”
“Patay ka sakin. Simula na tayo. Isolde. . . teka, asan na ba tayo?”
Tapos tinawanan niya lang ako.

No comments:

Post a Comment