[Jeremy's POV]
"Wag ka na umiyak. Proprotektahan kita"
KRIIIIING! 7:26 A.M.
Pakshet, late na naman ako. At ang sama na naman ng gising ko dahil
napaniginipan ko na naman ang pagkamatay ni papa. Nako, minumulto na naman ba
ako ni papa?
Umupo muna ako sa kama. May klase pa naman ako ngayong 7:30 A.M. Hayaan na,
magpapaka-late na 'ko. Potek kasi yang mga customers ko, Alas-tres na ng
madaling araw ako nakatulog kaka-edit ng mga pictures ng prinsesa nila.
Bago ang lahat, ako nga pala si Jeremy. Jeremy Shin De Luna. 18 years old.
Mag-isa lamang ako sa bahay namin at ang ninang ko sa Canada ang nagpapa-aral
sa akin. Namatay si mama nang ipanganak niya ako at si papa ay namatay nang
maaksidente siya sa barkong sinasakyan namin papunta sa. . . saan nga ba?
nakalimutan ko na. Bata pa ako nun e.
Kinuha ko yung USB ko, andun pa kasi yung mga pictures. Oha, baka nagtataka
kayo kung para saan ang mga inedit ko? Ganito kasi yan, dahil ayokong humingi
ng malaking pera sa ninang ko (may hiya din naman ako), ginamit ko na ang
talent ko sa Photography.
Ako ang taga-kuha ng mga stolen shots ng mga crush ng mga estudyante sa
university namin.
At binebenta ko ito sa mahal na presyo. The price ranges from 80 php-250
php. Syempre ba naman, high definition ang kuha ko. At maganda pagkakaprint. At
hindi lang basta basta stolen shots yan, if you know what I mean.
At ang pinakamabenta ay yung kay Anica Sharmaine Consejo. Sus ko po,
nakapasok na ako ng shower room ng mga babae sa gym para lang mapicturan siya
habang suot ang school swimsuit niya. Well, ang dami ngang umorder sakin.
Makaka-dalawang libo pa ata ako sa isang araw pa lang. Swerte naman o!
***
45 minutes late. Ayos na din. May naabutan pa din naman akong lecture.
Pero, first things first. Lumapit na sakin yung mga customers ko. Syempre, andito
yung tatlo kong suki. Sina Lee, Jake at Lance.
"Oy Jeremy! Na-print mo na ba yung mga pictures ni Anica my
loves?" tanong sakin ni Lee. Teka, parang kahapon picture ni Sasha kinuha
niya sa akin ah. Ibang klase talaga.
"Oo naman. Kumpletong set nga. Dahil suki kayo, imbis na 250 php ang
babayaran niyo, 265php na lang!" sabi ko sa kanila. BWAHAHA.
"Huh? Loko ka ba, pre? Anong tingin mo sa amin? Bobo? Pinamahal mo
e?" sabi ni Jake. Malaki siyang tao. Pero maliit ang utak.
"Mura na yun, Jake. Kasi sa set na 'to, andun ang tatlong pictures
niya na naka-school swimsuit. Side view, front view at back view! Ayos to!
Tapos may pictures pa na naka-white shirt siya tapos bakat yung pink niyang
bra. Diba gusto niyo yun?" sabi ko sa kanila.
At dahil maliit nga ang utak nilang tatlo, mukhang napalibutan pa sila ng
mga pink na aura. Taeng yan, basta para kay Anica, nagkakaganyan na? Ano bang
maganda sa babaeng 'to? Parang ang simple niya lang naman e.
"Ay, gusto ko yan! Oo nga. Salamat pre. Ang galing mo talaga. O ito bayad.
Keep the change" sabi ni Lance. Isa-isa silang nagpatong ng tig iisang
libo sa lamesa ko.
"Wow, keep the change talaga ah? Dabest talaga kayo! Alam niyo sa
pasko, bibigyan ko kayo ng mga free shots niya. Tandaan niyo yan!" sabi ko
sa kanila.
"Woo. Salamat pre!" saya nila ha. Binigay ko na sa kanila yung
mga set ng Anica Shots. Iba talaga. Dami ko na namang pera. BWAHAHA.
Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. At biglang pumasok yung sunod
naming instructor. Patay tayo dyan, boring na naman. Economics ba naman ang
subject e.
Pumasok si Sir Ian. Isa siyang fresh grad ng university na to. Economics
agad ng mga graduating students ang pinaturo sa kanya dahil grumaduate siya
bilang suma cum laude last year. O di siya na ang matalino.
Masama lagi ang
tingin sakin ni Sir Ian. Pano ba naman, sikat ako sa school na nagbebenta ng
pictures ni Anica. Siya ang rumored boyfriend ni Anica. Talk about forbidden
relationships, ayos. Gusto ko nga minsan makakuha ng candid shot nila na
nagyayapusan, naghahalikan o kung ano pa mang ginagawa nila. Kaso wala e,
magaling sila magtago.
Speaking of the devil.
Lumapit sakin si Sir Ian.
"Mr. De Luna, may I remind you na you're invading the privacy of
Ms.Consejo? Masama yang ginagawa mong pagbebenta ng stolen pic--"
"Bakit? Sir Ian, kayo lang ba ang may karapatan na makita ang katawan
niya?" pagbibiro kong tanong sa kanya. Sinadya kong lakasan para marinig ng buong
lecture class.
Ginalaw niya yung eyeglasses niya na lalong ine-emphasize ang pagkatalino
niya.
"As far as I am concerned,
teacher niya ako and it is my duty to protect her." napatahimik ako.
"Kung inaakala mong alam mo ang lahat, nagkakamali ka. Ipasa mo muna ang subject ko. Grow up.
Kiddo"
Tapos lumayas na siya.
Ang hangin talaga ng Ian na yan. Kung makapagsalita akala mo lagi siyang
tama. May pasabi-sabi pa siya ng "Grow Up, kiddo" na yan. Ano siya?
Endorser ng Growee? Sapakin ko yan kung hindi ko lang yan teacher e.
***
Lunch time. Lalong nagdagsaan ang mga customers ko. Syempre, yung ibang
shots naman ay hindi na si Anica. Meron pa namang iba, sina Sasha, Carol,
Elaine, Danie, at marami pang iba.
"O, ayan ha, nakuha niyo na gusto niyo? Meron ba kayong ibang request
dyan? Sabihin niyo lang sa akin at pwede nating pagusapan ang presyo!"
sigaw ko sa buong cafeteria. BWAHAHA, ang saya talaga neto e.
"Jeremy, may request ako", sabi ng isang pamilyar na lalaki. Ah,
teka, siya yung leader ng isang frat sa university namin. Iba 'to ah. Ano
kayang request ng isang 'to?
"Ano yun, Fred?" tanong ko sa kanya.
"Dalawang libo. Isang shot ni Anica Consejo habang nagsha-shower.
Pero. . . Gusto ko sa bahay nila. Ano? Ok sayo?" bulong niya sa akin.
Nagulat ako dun sa request niya. Kahit kailan man ay walang nag-request sa
akin ng isang shot na naliligo o kung ano man. At Anica Consejo talaga ah? Ni
hindi nga ako makalapit sa bahay nun
dahil sobrang daming aso.
"Dalawang libo lang? Aba, mura naman ata nun. Hindi pa nun covered ang
lenses na gagamitin ko at ang transpo, meals at kung anu-ano. At kailangan ko
din ng health insurance" baka kasi lapain ako ng mga aso nila e.
"Sige ba, 2500?"
"Hindi, 3000, siguro. ayos na?"
"Osige, deal" teka, nag-deal nga sila? "Kukuha kaming limang
kopya."
ANO DAW? LIMANG KOPYA? Teka. . . teka. . . 3000 times five. . . teka. . .
15,000 ANAK NG PITONG KUBA! ANG YAMAN KO NA!
"Osige, deal. Maasahan niyo yan, next week!" at naghiyawan ang
mga tao.
Teka, ano ba 'tong gulong pinasok ko? Sige na nga! Bahala na nga!
***
Bathroom break muna. Naku po. Kailangan ko nang mag-isip kung paano
papasok sa bahay ng mga Consejo. Ang daming aso dun e, patay na. Malayo pa
naman ang loob ko sa mga hayop.
Siguro, kailangan kong mag-camouflage. Hindi hindi, mukha akong tanga nun
e.
Hinugasan ko nun yung kamay ko at naghilamos na din. Pagtingin ko sa
salamin, nagulat ako sa babaeng nasa likuran ko.
"AAAHH!! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko.
Teka, si Anica ito ah. Lalaki na siya?
Ay hindi, bobo. Pumasok talaga siya sa CR ng lalaki.
Nanginginig siyang nakatingin sakin then the next thing I knew, she was
crying. What the heck? Anong nangyari sa babaeng to?
"Who are you to take pictures of me?! Fuck you! Die now, you perv!
Bwiset ka!" then an unexpected thing happened.
Sinampal niya ako then stormed away from the bathroom.
Hinawakan ko yung pisngi ko. Fresh pa sa malakas na sampal niya sakin.
Ah, siya pala yun. Anica Sharmaine Consejo.
No comments:
Post a Comment