Wednesday, April 24, 2013

Chapter Eight


[Jeremy’s POV]

Umagang-umaga. Ang laki ng eyebags ko. Takte, hindi man lang ako nakatulog ng maayos kagabi.
Andito na ako sa kwarto sa bago naming bahay. Syempre, magkahiwalay kami ng kwarto. Malas ko na lang kung pati kami ay nasa iisng kwarto. Riot talaga yun.

Ayos naman pala, andito na rin kasi yung mga gamit ko. As in, lahat ng gamit ko. Pati yung computer ko at gitara, andito na rin.

Malawak ang kwarto ko. At may sariling CR sa loob. Nako, buti naman. At least, pwede na lang ako magkulong dito sa kwarto nang hindi ko siya nakikita. Dahil may klase pa din naman ako mamaya, nagsimula na akong maligo. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto.

May pagkain kaya? Gutom na rin kasi ako e.

“Hey there sleepyhead, kamusta naman ang tulog mo?” hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa itsura ni Anica e mas malaki pa ang eyebags niya sa’kin.

“Ansabe naman ng eyebags mo? Hello daw?”

“Sorry naman no? Di kasi ako sanay. Well, nagluto ako ng bacon and eggs. Kumuha ka na lang dyan.”

“Naks, asawa na talaga ang dating ah”

“Shut up, pinagpra-praktisan lang kita”

“Yan, tama. Buti na lang. You’re not considering mo for your husband, diba?”

“Syempre naman. Duh?”

“Well, just making sure. After ng three months na ‘to, wala na talaga, diba?”

“Yeah, sure.”

In-extend ko yung kamay ko sa kanya. Then dahan-dahan niyang nilapit yung kamay niya sa kamay ko. Then, we shook hands.

“Let’s just be friends after everything.”

“Yeah, definitely”

***

“Guys! Binigay satin ang time na ‘to para mag-meeting tungkol sa play na ‘to”

Sobrang ingay sa division namin. Syempre, e loko loko kaya ang mgaka-block ko.

Nung kumalma na ang mga estudyante, nagsimula na ulit mag-explain si Anica.

“So yung play natin ay entitled na Tristan and Isolde. As a summary, well, si Tristan ay isang knight, siya ang adopted heir ni King Marke na fiancé ni Isolde na isang Irish princess. Nagsimula siya nang maalala ni Isolde na si Tristan ang nakapatay dun sa first fiancé niya na si Morold. So plinano ni Isolde na bigyan si Tristan ng poison pero iba yung prinesent ng handmade niya na si Brangane. Nagkaroon ng negotiation si Tristan na sila parehas ang uminom nun, na-assume niya rin kasi na poison yun. Pumayag si Isolde kahit ina-assume niya na poison yun. Sabay nilang ininom. Pero hindi sila namatay parehas. Dahil hindi naman poison ang binigay ni Brangane, kundi isang love potion”

Namangha yung mga tao. Yung tipong unang act pa lang nagustuhan na nila. Hmm. . . interesting din naman kasi ang panimula.

“Syempre, na in love sila. And dineclare nila ang love nila sa isa’t-isa. Pero andyan si Melot, isa ding knight ni King Marke, na nag-suspect sa betrayal ni Tristan kay Marke. Syempre, he tried to expose Tristan and Isolde to King Marke. Nagkaroon ng fight between Melot and Tristan. But si Tristan yung nasugatan.”

Ang baduy. Knight ka, tapos ikaw yung masusugatan. Shunga lang?

“Dinala si Tristan sa castle niya. As in, wounded talaga siya. And ang sabi niya, ang arrival lang ni Isolde ang makakaligtas sa kanya. Syempre, nakarating na rin si Isolde. But then, the moment na nagkita sila ni Tristan, hindi na kinaya ni Tristan and he dies with her name on his lips. Dahil dun, nag-collapse si Isolde. And then, rineveal ni Brangane ang secret ng love potion kay na Melot. Sa last scene, nagising si Isolde then  nagkaroon siya ng vision na nabuhay ulit si Tristan. And then, she dies. Well, I think it’s because she could not bear to live anymore without Tristan by her side.”

“Sa tingin mo ba nain love talaga sila sa isa’t-isa? Sabi nga e, love potion lang naman yan e. True love ba yan?”

Nagulat ata yung mga kaklase ko. Oh well, nagtatanong lang naman. Parang di kasi siya true love e.

“Well, I think it’s still true love. Maybe, yun talaga ang fate. Pinagtagpo sila to fall in love. Do you have any problems with that?”

“Wala lang. Tinatanong ko lang.”

Fate? Meron ba talagang mga tao na pinagtagpo to fall in love? Nako, ang baduy.

***

“So sa cast, si Isolde ay ako na. Hmm. . . any objections?”

Syempre, wala nang nag-object. Bagay naman sa kaya ang role e.

“Then, si Tristan ay si. . .”

“Woo. Si Jeremy yan!”

“Gusto namin si Jeremy”

“Hoy magtigil kayo. Propsmen lang ako!”

Aba, porket fiancé ako, ako na si Tristan? Asa naman. Bunutan ko sila ng buhok sa kili-kili e.

“Well, sorry, it’s not Jeremy. Si Lee ang magpo-portray kay Tristan. So yun, si Marke, Brangane, Melot at Kurwenal ay sina Lance, Carlos, Diane at Jake. Yung iba ay magiging extra na lang, mga sailors, shepherds and yun. Well, yung iba tulong na lang sa props, okay? Saturday bukas, so start na rin tayo ng practice, okay?”

“Sige sige!”

***

[Anica’s POV]

“We need to talk” nagulat naman ako dun kay Ian. Hindi man lang kumatok sa room namin.

“Hey.” Medyo awkward na din. Iba kasi e. Hindi ko nga alam kung kami pa ba talaga or what e. May fiancé na ako and he rejected me nung last na magkausap kami sa rooftop. Ang labo na ng relationship namin. Yung dati na akala ko isang crystal clear na relationship ay ngayon, parang blackhole na. But I still hate myself for loving him this much.

“So, kamusta naman kayo ng fiancé mo?” ramdam ko ang bitterness sa mga salita niya.

“Well, we’re friends.” Ewan ko. Feeling ko kasi si Jeremy ay  isang true friend. Totoo yan. Kahit na madalas niya akong nilalait (no one ever does that, just him), parang okay lang sa akin kasi nagpapakatotoo siya sakin.

“Good to hear that. Pero tayo? Kamusta na ba tayo?” nagulat ako dun sa tinanong niya.

“Tayo?”

“Let me take you to dinner. Kailangan natin ‘to pag-usapan. . .”

***

Hinatid niya ako pauwi. Di na ako nagsalita nun sa buong byahe. Well, hindi ko kasi matanggap yung sinabi niya sa akin. Ang sakit kasi. After everything I’ve done for him, wala man lang siyang nagawa para sa akin.
Bumaba ako ng kotse niya at mabilis na pumasok dun sa bago naming bahay. I sighed.

Mukhang wala si Jeremy sa living room. Buti na lang.

Pag sarado ko ng pintuan, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Then, I burst out crying. Yung tipong hindi na ako makahinga. Kasi hindi ko alam kung ano na yung nararamdaman ko. Anger ba or sadness? Depression or what?

Nag-vibrate yung phone ko and I saw a text message from Ian that says. . .

“Sorry. . .”

No comments:

Post a Comment