[Jeremy's POV]
Six years old pa lang ako nang nawala na sa akin ang papa ko.
Namatay siya nang iligtas niya ang babaeng minamamahal ko.
Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon. Sa isang barko, nakalimutan ko na
kung saan kami papunta, punong-puno ang paligid ng sigaw at iyak ng mga
pasahero.
Lahat ng tao nagpa-panic. Ang iba, nag-iisip pa ng paraan para makaligtas.
Ang iba naman, tila sumuko na at nagpalamon na lang sa dagat.
Hawak ko ang kamay ni papa. Mainit ang palad niya, yung tipong hindi siya
kinakabahan.
"Tulong!" isang matandang lalaki ang sumigaw sa amin.
Pinakawalan ni papa ang kamay ko at dun ako simulang kabahan.
"Pa, wag mo 'kong iwan." sabi ko sa sarili ko.
Mabilis na lumapit sa matandang lalaki si papa para tulungan siya at ang
isa pang batang babae na natatabunan ng mga pira-pirasong kahoy.
"Mr. Consejo!" sigaw ni papa sa lalaki.
Tinanggal ni papa ang mga pira-pirasong kahoy at tinulungang makatayo ang
matandang lalaki at batang babae na siguro'y kasing edaran ko lang.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari pagtapos nun. Ang bagal na ng
paligid. At nahihilo na din ako.
Onti-onti kong minulat ang aking mga mata. Dun ko lang na-realize na
nakadapa na pala ako at nakita ko si papa. . .
Puno ng dugo. . . Habang natatabunan ng mga mabibigat na bakal.
"Papa. . ." bulong ko. Iniisip ko na baka pag tinawag ko siya,
baka sakaling gumising siya.
"Papa. . ." inulit ko, pero wala pa rin. Nakasarado pa rin ang
kanyang mga mata.
"Papa. . ." ngayon ay mas malakas. Pero, bakit ganun? Ayaw niyang
gumising. . .
Itinayo ako ng matandang lalaki at pinahawak niya sa akin ang kamay ng
batang babae.
"Wag kayo maghihiwalay. Ipangako mo sa 'kin na proprotektahan mo si
Nica." sabi sa akin ng matandang lalaki.
Patuloy akong umiyak. Tiningnan ko yung babae. Umiiyak din siya.
"Wag ka na umiyak. Proprotektahan kita"
***
Never forget to tell her that she's perfect for you.
Pick her up. And don't be late. She screams. And cries, sometimes.
Protect her. Do not be a 'prince'. Be her 'knight'
When she least expects it, hug her. Tightly.
Let her fall asleep in your arms.
Give her piggy back rides.
Kiss her forehead.
Kiss her in the rain.
And when you fall in love with her, tell her.
Lahat nang yan iniisip ko lang. Baka sakaling mabasa ni Ian ang nasa isip
ko. Mahirap man tanggapin pero wala e, talo ako sa pag-ibig na 'to. Akala ko
nga ako ang bida, supporting character lang pala ako.
April 18. Ila-launch na ang engagement party ni Anica at ni Ian. Her second
engagement party, actually. And too bad, ako pa ang ginawang photographer. Di
ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isipan ng Grandpaps e.
Pero ang swerte ni Ian, dahil sa wakas, makakasama niya na si Anica. Yung
pinakamamahal ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Nahuli na ako. Hindi ko man
lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.
I was always a second late. Siguro kung naging mas maaga lang ako ng kahit
isang segundo, hindi si Ian ang katabi ni Anica ngayon, kundi ako.
*click*
Maganda talaga siya. Sobrang ganda. Siya na siguro ang pinakamagandang
babae sa paningin ko. Anica, kung naririnig mo man 'tong sinasabi ng utak at
puso ko, mahal kita. Totoo yan.
Napatingin siya sakin. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ng mga mata
niya. Matagal kaming nagkatitigan. As if our eyes were locked with each other.
Anica, maingay ka. Ang tinis ng boses mo at nakakairita.
Ang hilig mo sa One Direction at KPOP na madalas nakakabanas pakinggan.
Ang bilis mong magalit at magtampo. Moody ka.
Sintunado kang kumanta at ikaw ang dahilan kung bakit umuulan.
Pero kahit ganun pa man, mahal kita.
Sana alam mo. Sana nasabi ko yan sayo. Na hindi mo kailangan magbago para
mahalin ka ng ibang tao.
Kasi ako, ito na nga. Mahal kita sa kung sino ka man.
Napatayo siya at tila bumabagal ang buong paligid.
Kiss her in the rain.
And when you fall in love with her, tell her.

No comments:
Post a Comment