[Jeremy’s POV]
“Jeremy, tara practice na daw. . .”
Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyare
yung sa ospital. Bumuti naman na yung mama ni Gayle. . . at napansin ko na
naging cold na sa akin bigla si Anica. . . hindi na kami tulad nang dati. At
nawala na rin yung pagpra-practice namin ng lines ni Tristan at Isolde. Sayang,
kung kailan namemorize ko na dahil paulit-ulit na lang, dun naman nawala. . .
Hay, paano ko ba maiaayos ‘to? Wala naman
akong ginawa para maging ganito ang sitwasyon. . . pero parang obligasyon ko na
ayusin ito.
Tuloy-tuloy pa rin ang practice. Dalawang
linggo na lang kasi at Foundation Week na. Which means presentation na ng Play.
Nginangarag na ang mga propsmen na katulad ko. Kailangan pa kasi ng mga
finishing touches dun sa mga props kaya naman double time talaga kami kung
magtrabaho.
Inatasan nila ako na ibalik sa storage room
yung mga paints na ginamit. Kakatapos ko lang na itambak dun lahat ng materials
nang makita kong si Ian na naglalakad papalabas ng office niya.
“Ian!” tawag ko sa kanya. Tumigil siya at
napatingin sa akin.
Lumapit ako sa kanya.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko
ngayon pero gusto ko sanang ayusin ang gusto na ‘to.
“Bakit?”
“May tanong ako sayo at sana sagutin mo ng
totoo. . .”
Inayos niya yung salamin niya at tumingin
sakin ng diretso.
“Mahal mo pa ba si Anica?”
Napa-smirk naman siya nun. Sarap suntukin ng
hayop na ‘to ah.
“Bakit mo pa kailangang malaman yan?”
Hinawakan ko yung collar niya. Alam ko na
pwede akong mapahamak sa ginagawa ko. Buti na lang walang estudyante na nadaan
sa hallway na ito.
“Sagutin mo na lang. Mahal mo pa ba si Anica?”
“Oo, mahal ko pa siya. May magagawa ka ba?!”
nagulat ako dahil sobrang lakas ng boses niya nun.
Pinakawalan ko na siya at pinagpag ko pa yung
suot niyang polo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Mahal ni Anica si Ian.
Mahal ni Ian si Anica.
Ano na lang ako, diba? Isang sabit lang sa
masaya nilang relasyon. . .
“Kaya mo ba siyang alagaan?”
Hindi siya sumagot.
“Kaya mo ba, Ian?”
“Bakit hindi?”
“Sumagot ka!” nasigawan ko siya.
“Oo, kaya ko siyang alagaan at protektahan
nang higit pa sa nagagawa mo para sa kanya. Kaya ko sa kanyang ibigay ang
lahat. . . hindi ako magpapatalo sayo, Jeremy. . . dahil ako lang ang
nagmamahal sa kanya nang ganito. . .”
Napangiti na lang ako. . . bakit nga ba ako
napapangiti?
Para siguro itago ang totoo kong nararamdaman.
Tinap ko na lang ang balikat niya. . . at
hindi na ako nagsalita pa. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na papalayo.
***
“Late ka ata umuwi?” first time na si Anica
ang unang nagsalita. 11 PM na pala nang nakauwi ako. Ganun pala katagal ang
mag-ayos ng mga materials para sa Props.
“Ah, nag-ayos pa ako e. . .”
Late na at nasa salas pa rin siya.
“Hinintay mo pa ba ako?”
Tapos hindi niya ako pinansin.
Umupo ako sa sofa, sa tabi niya.
Sa sobrang pagod. . . at medyo nahihilo na din
ako, humiga ako sa lap niya.
“Jere—“
“Isolde. . . you are the only one that can
cure me. . . I only need your lips. . . please, give me everything I need. . .
I need you, my lady.” Sabi ko. Galing yan sa lines na prina-practice namin
dati.
Napansin ko na napapaluha na siya. . .
“Tristan, my love, I won’t ever leave your
side. . . I will be forever yours. . .”
Hinawakan ko yung mukha niya. . . at umayos na
ng upo nun. Matagal din kaming nagkatinginan.
“Anica. . . I love you. . .”
Lalo siyang umiyak. . .
Ang sakit pala. . . Bakit parang hindi ako
makahinga? Niyakap ko siya nang sobrang higpit. At ginawa niya rin naman.
Sana hindi na matapos ang gabing ito. Sana
tumigil na ang oras.
Kumalas ako sa kanya.
At hinalikan ko ang noo niya.
I love you, Anica. Saranghae. . .
No comments:
Post a Comment