Wednesday, May 8, 2013

Chapter Nineteen


[Anica’s POV]
Masasabi niyo bang tanga ako para tulungan pa ang isang tao na niloloko lang ako? Well, di rin naman kasi ako makatiis e. Nakarating kami ni Jeremy sa ospital at nasa labas si Gayle ng ICU. Andun siguro ang mama niya. Medyo kinakabahan na din ako.
Umiiyak si Gayle nang madatnan ko at tumakbo siya papalapit sakin at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
“Thanks, Anica. Buti na lang covered nung Health Card ang mga gastusin” hindi ko na pala kailangan maglabas pa ng pera. “Kailangan ko lang talaga ng kasama ngayon. . .”
Lumaki si Gayle na walang tatay. Iniwan kasi sila ng mama niya e. Kaya sa ngayon, ako lang ang pwede dumamay sa kanya. Well, in this case, andito na rin si Jeremy.
“Thank you din, Jeremy”
Tumango na lang si Jeremy. Awkward nga ang nangyayai ngayon. Pagkatapos ng mga nangyari at mga nalaman ko. . . paano nga ba ako magre-react kay Gayle?
“Kamusta na ba ang kalagayan ni Tita?”
In-explain sakin ni Gayle ang sakit ng mommy niya. Si Jeremy naman ay lumayo muna. Siguro nagpunta siya ng canteen para bumili ng pagkaen. Magkatabi kami ni Gayle na nakaupo dun sa waiting area malapit sa ICU.
“Salamat talaga, Anica. And sorry sa lahat ng nagawa ko” umiiyak si Gayle pagkatapos niyang ikwento sakin ang kalagayan ng mama niya.
“Tahan na, Gayle. . .”
“Sorry, Anica. . . Napaka-selfish kong tao. Ikaw pa talaga ang tinawag ko dito. . . pero ikaw lang kasi ang tinuturing ko na tunay na kaibigan e. And sorry dun sa nangyari samin ni Ian. Ang tanga tanga ko. . .”
Niyakap ko si Gayle.
“Okay lang ako, Gayle. . .”
Hindi ko alam kung paano ko nasabe na okay ako. . . well, nung nalaman ko na may affair sila ni Ian, oo, inaamin ko na nalungkot ako. . . nalungkot ako sa fact na na-feel ko na lahat ng tao na nasa paligid ko ay parang peke lang. Lahat sila may tinatago lang na intentions. Dun ako nasaktan. Hindi sa fact na may iba na si Ian.
Sa totoo lang, parang nagfe-fade na nga ang feelings ko para kay Ian. Hindi ko alam kung paano at bakit. . . minsan kasi iniisip ko bakit nga ba ako nagtyatyaga sa kanya? Na-realize ko na nanghihinayang lang pala ako sa tagal ng pinagsamahan namin. . .
Nanghihinayang ako sa mga sakripisyo at memories na patungkol sa kanya. . . parang ang hirap itapon ng lahat ng iyon. . . pero pagdating sa feelings? Naguguluhan pa ako.
“Anica. . . sana mapatawad mo pa si Ian. Mahal ka talaga niya. . .” napatingin ako kay Gayle nun.
Ako? Mahal ni Ian? E niloloko niya nga ako, diba?
“Ako ang may kasalanan pero sinabi niya sakin na ang puso niya, sayo lang talaga. Sadyang nilalayuan ka lang niya talaga dahil sa engagement niyo ni Jeremy. . . pero kung wala si Jeremy, handa na rin siya para ipakita sa buong mundo kung gaano ka niya kamahal. . . kaya niyang isakripisyo ang trabaho niya para sayo. . .”
Lalo akong naguluhan sa mga sinabi sakin ni Gayle.
“Pero hindi. . . ni-reject niya ako nung sinabi ko na mae-engage na nga ako sa iba. . . impusible na magsakripisyo siya para sakin. . .” na-realize ko na umiiyak na ako.
Naguguluhan na talaga ako. . . can I possibly love two people at the same time?
Ian and Jeremy. . . God, bakit ganito na kagulo ang nararamdaman ko?
“Yun ang biggest mistake niya, Anica. Sinabi niya sakin ang lahat. . . maniwala ka. . . nung araw na nag-dinner kayo at nakipagbreak siya, gustong-gusto ka niyang yakapin, makasama, kausapin at halikan nang sabay-sabay sa sobrang lungkot na matatapos na yung relasyon niyo. . .”
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. . . bakit ‘to sakin sinasabi ni Gayle?
“Mahal ka talaga niya Anica. . . pinilit niyang kalimutan ka at ginamit niya ako. Pero kahit anong gawin, pangalan mo pa rin ang sinasabi niya pag natutulog siya. Ikaw pa rin ang iniisip niya. Ikaw pa rin ang nakikita niya kahit na ako ang nasa tabi niya. . .”
“How can I possibly believe this?”
“Na sayo yan, Anica. . . pero kung mahal mo talaga si Ian, kailangan mong i-let go si Jeremy. . .”
That’s the ugly truth. Kailangan kong pumili ng isa lang. . .
Si Jeremy o si Ian?
“Nahihirapan ako. . .”

[Jeremy’s POV]
Narinig ko lahat ng sinabi ni Gayle kay Anica. . . Hay, nahihirapan na pala siya at mahal pala siya ni Ian. Ako lang ba talaga ang sagabal sa kasiyahan ni Anica?
. . .
Naguguluhan na rin ako
Nahihirapan na rin. . .
O Jeremy Shin, ano nang gagawin mo ngayon?

No comments:

Post a Comment